MASAYANG binati ni Senator Joel Villanueva sa kanyang Facebook page ang 71,429 na mga bagong lisensyadong propesyunal na mga gurong pumasa sa Licensure Examination for Teachers (LET).
Aniya, “Congrats po sa 71,429 na mga bagong lisensyadong propesyunal na mga gurong pumasa sa Licensure Examination for Teachers (LET) na isinagawa ng Professional Regulation Commission noong March 17, 2024.
“Bilang isa sa mga commissioner ng @edcom2ph, makakaasa po kayong patuloy pa nating pagtutuunan ng pansin ang pagpapabuti ng kalagayan ng ating mga guro para #ItaasAngAntas ng edukasyon sa bansa.
Mabuhay ang ating mga bagong guro.”