26.5 C
Manila
Miyerkules, Setyembre 18, 2024

Ika-126 Araw ng Kalayaan ipagdiwang

- Advertisement -
- Advertisement -
NGAYONG linggo ang ating ika-126 na Araw ng Kalayaan, inaanyayahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lahat na gisingin ang ating pagka-Pilipino, at makilahok sa mga aktibidad na inihanda ng pamahalaan gaya  ng Parada ng Kalayaan, MusiKalayaan, Klinikalayaan, at iba pa.
Sari-saring libreng aktibidad at programa ang matutunghayan sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.
Isama ang pamilya, barkada, kapitbahay, kamag-anak, pati na ang inyong fur-babies! Kitakits sa Luneta at tingnan mga serbisyong handog ng mga tanggapan at ahensya ng pamahalaan, dito lang yan sa Pampamahalaang Programa at Serbisyo para sa Kalayaan sa Hunyo 10-11, 2024, 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon sa Dancing Fountain Area at Agrifina Circle, Rizal Park, Luneta.
Sariwain ang kwento ng ilan sa mga magigiting na bayaning Pilipino na binigyang buhay sa pelikula ng TBA Studios. Mapapanoood ang mga sumusunod sa handog na Sine-Klasiks para sa darating na Araw ng Kalayaan na gaganapin sa Quirino Grandstand ngayong Hunyo 11-12, 2024:
Bonifacio: Ang Unang Pangulo (4PM-6PM, Hunyo 11, 2024)
Heneral Luna (7PM-9PM, Hunyo 11, 2024)
Goyo: Ang Batang Heneral (8:30PM-10PM, Hunyo 12, 2024)
Manood at matutuo kasama ang mga kaibigan at pamilya.
Ipagdiwang ang Kalayaan ng Pilipinas kasama ang mga magagaling na artists tulad ng Bagitos, Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa ROTC Silent Drillers, Douglas Nierras Powerdance, Manila Skate Dance, Sinulog Sa Carmen Cultural Troupe at Mindanao State University Darangan Cultural Dance Troupe. Kasama sila MC Leandro, Desylyn Enano, Florante, Garrett Bolden, Molly Langley, at ang BINI.
Mapapanood silang lahat ngayong Hunyo 12, 2024 sa Quirino Grandstand nang libre! Sabay-sabay tayong magdiwang ng ating kalayaan bilang nagkakaisang bayan.
Maaaring bisitahin ang https://independenceday.ph para sa detalye tungkol sa #Kalayaan2024.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -