29.5 C
Manila
Lunes, Setyembre 16, 2024

Pangandaman, inaprubahan ang 25 permanenteng posisyon para sa Teacher Education Council Secretariat

- Advertisement -
- Advertisement -
ALINSUNOD sa Republic Act No. 11713 o ang Excellence in Teacher Education Act, at sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gumawa ng mga konkretong hakbang para maitaguyod ang kapakanan ng mga guro sa buong bansa, inaprubahan ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman ang organizational structure and staffing pattern (OSSP) ng Teacher Education Council (TEC) Secretariat na nasa ilalim ng Department of Education (DepEd), kabilang na ang paglikha ng 25 permanenteng posisyon.
Ang pag-apruba sa OSSP para sa TEC Secretariat ay bunga ng kahilingan ng DepEd upang madagdagan ang inisyal na staffing complement para sa layuning ito.
Sinisiguro ng TEC ang pagbibigay ng kalidad na edukasyon at pagsasanay ng mga teacher sa pamamagitan ng pagtatatag ng scholarship program para sa  mga karapat-dapat na estudyante na kumukuha ng mga teacher education degree program, pati na rin para sa mga guro at lider ng paaralan na kumukuha ng graduate degree programs, gayundin ang makapagbigay ng isang dynamic, makabago, at equitable education system.
“To further empower our educators and foster quality education for the benefit of our learners, we have approved the organizational structure and staffing pattern of the TEC Secretariat and the creation of 25 additional permanent positions therein,” pahayag ni Sec. Mina.
“Ang sabi nga po ni Pangulong Bongbong Marcos, kailangan nating magpatupad ng mga konkretong hakbang para isulong ang kapakanan ng ating mga guro. Kaya naman po, sisiguruhin nating mabibigyan ng suporta ang mga programa na magpapaangat sa kalidad ng kanilang pagtuturo,” dagdag ng Budget Secretary.
Upang suportahan at tulungan ang Council sa pagganap ng kanilang mga tungkulin at ipatupad ang kanilang mga proyekto at programa, kinonsidera rin ang paglikha ng apat na organizational units sa ilalim ng Secretariat. Kabilang sa mga unit na ito ang Office of the Executive Director, Student Incentives Support Office, Quality Pre-Service Teacher Education Office, at Quality Teaching Office.
Itinuturing ang paglikha ng mga bagong organizational units at posisyon para sa TEC Secretariat na paraan upang masiguro ang epektibo at maayos na pagganap ng kanilang mga mandato.
Inaprubahan ni Secretary Pangandaman ang kinakailangang Notice of Organization, Staffing and Compensation Action para sa TEC Secretariat noong ika-21 ng Mayo 2024.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -