27.8 C
Manila
Biyernes, Setyembre 13, 2024

Cayetano, pinag-aaralan ang anti-deception na mekanismo ng Hong Kong

- Advertisement -
- Advertisement -

SA layuning palakasin ang mga hakbang laban sa scam sa Pilipinas, bumisita si Senador Alan Peter Cayetano sa Anti-Deception Coordination Center (ADCC) ng Hong Kong Police Force noong Huwebes, June 13, 2024, kasama ang Philippine Consul General ng Hong Kong na si Germinia Aguilar-Usudan at Vice Consul Jose Angelo D.G. Manuel.

Bahagi ito ng proaktibong aksyon ni Cayetano bilang chair ng Senate Committee on Science and Technology sa pag-unawa ng mga operasyon kontra-panloloko sa Hong Kong. Noong Marso ng taong ito, nagsagawa rin siya ng katulad na pagbisita sa Anti-Scam Centre ng Singapore Police Force.

Kasalukuyang nasa Hong Kong si Cayetano bilang guest speaker sa pagdiriwang ng Philippine Consulate ng ika-126 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan kasama ang mga Overseas Filipino Worker

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -