27.4 C
Manila
Lunes, Setyembre 9, 2024

EEZ at ang Julian Felipe Reef

- Advertisement -
- Advertisement -

KAPAG sinabing exclusive economic zone (EEZ), tumutukoy ito sa lugar kung saan isang bansa ang may karapatan na manguha, mangisda, magmina, maghukay at gamitin ang likas na yaman dito maging sa dagat, ilalim ng dagat at maging ang hangin sa ibabaw nito.

Larawan mula sa The Manila Times

Tinutukoy din sa 1982 United Nation Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ang baseline ng isang pampang. Mula sa baseline na ito matutukoy alin ang territorial waters, contiguous zone at EEZ.

Ayon dito, mula sa baseline o pampang, ang unang 12 nautical miles ay tinatawag na territorial waters. Ang susunod pang 12 NM ay contiguous zone. Ang EEZ naman ay 200 NM ang layo mula sa baseline ng isang bansa.

Kung kaya, malinaw ang ang Julian Felipe Reef ay bahagi ng EEZ ng Pilipinas dahil 175 nautical miles ito mula sa pampang ng Bataraza, Palawan.

Kaya naman walang karapatan ang Tsina na manatili sa may Juan Felipe Reef kahit pa sabihin nilang barkong pangisda lamang ang mga nakita ng Philippine Coast Guard (PCG) doon.


Syempre pa, hindi ito tanggap ng Tsina na umaangkin sa buong South China Sea base sa kanilang kasaysayan.

Ayon sa UNCLOS, walang basehan ang claim na ito ng China dahil bagama’t binabanggit nito na sa kasaysayan ay pinapangisdaan na ng mga mangingisdang Tsino ang South China Sea, wala namang katunayan na ang inaangkin nitong mga isla o batuhan gaya ng Julian Felipe Reef ay tinirahan din ng mga Tsino.

Para sa UNCLOS, tanging ang Pilipinas lamang ang may sovereign rights sa West Philippine Sea.

Nangangahulugan ito na walang ibang bansa, tanging Pilipinas lamang, ang may karapatan sa katubigan, ilalim at ibabaw ng dagat na nasa EEZ nito. Ibig sabihin pwedeng mangisda rito ang mga Pilipino, magmina sa ilalim ng dagat gaya ng pagkuha ng natural gas at mineral oil, at maging ang pagproseso sa tubig at hangin na naririto.

- Advertisement -

Ngunit taliwas dito, mayroong mahigit 100 barko ng Tsina na nasa Julian Felipe Reef.

Ayon sa pahayag ni Retired US Air Force Col. Ray Powell, ang director ng SeaLight, isang maritime transparency project na nagmomonitor at nag-uulat ng aktibidad sa South China Sea, ang mga barkong ito ay ginawang “floating outpost” ng Tsina.

Sa larawang kuha ng satellite, ipinakikita rito ang 82 barkong Tsino na nakaangkla malapit sa reef.

Inilarawan ito ni Powell na “impressive” at “extraordinary” sa dami ng mga barko.

Taliwas sa paliwanag ng kinatawan ng Tsina noong unang magsampa ng diplomatic protest ang Pilipinas, hindi mga bangkang pangisda lamang ang mga barkong naroroon.

Sa posisyon ng mga iyon na dikit dikit at nakaangkla lahat, imposibleng nangingisda ang mga iyon, ani Powell. Ito, aniya, ay nagsisilbing “floating outpost” para di na kailangan ng Tsina na magkonstruksyon, sa halip ay gamitin na lamang ang dami ng mga barko nito.

- Advertisement -

“China does not need to build an outpost to gain and maintain control of maritime features in its neighbors’ exclusive economic zones. The sheer size of its maritime militia enables it to simply overwhelm their capacity to respond,”ani Powell.
Bagama’t 82 barko lamang ang nasa satellite images ng StarLight, sinabi ni Powell na maraming iba pa ang di nakasama sa satellite image.
Aniya, mas tugma aniya ang bilang na sinabi ng Philippine Coast Guard na mahigit 100 barko.
Una nang nakita ng PCG ang kakaibang dami at pagkakaangkla ng mga barko tatlong taon na ang nakararaan.
Nang magsampa ng diplomatic protest ang Pilipinas, sinagot ito ng Tsina na nagsabing ang mga barkong naroroon ay pawang mga pangisda lamang na nagkubli roon dahil sa masamang lagay ng panahon.

Ngunit tatlong taon nang nakahupa ang bagyo, hindi pa rin nawawala ang mga barko ng mga Tsino sa naturang lugar. Bagama’t may mga umaalis at dumarating na barko, nananatili ang kanilang nakapangangambang presensya sa naturang lugar.

Bilang aksyon sa nakaaalarmang sitwasyon na ito, ipinag-utos ni National Security Adviser Eduardo Año, na siya ring chairman ng National Task Force for the West Philippine Sea, na magsagawa ng pagpapatrolya sa naturang lugar at idokumento ang kanilang mga nakita.

Pinapunta naman agad ni PCG Commandant Adm. Ronnie Gil Gavan ang BRP Sindangan at BRP Cabra upang magpatrolya sa lugar.

Iniulat ng mga ito na walang sagot sila na natanggap ng radyuhan nila ang mga barko ng Tsino sa lugar na tinatayang umabot na sa 135 ang bilang na nakakalat sa paligid ng Julian Felipe Reef.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -