29 C
Manila
Lunes, Setyembre 9, 2024

‘Smart Village’ kick-off ceremony sa rehiyon isinagawa ng DICT

- Advertisement -
- Advertisement -

ISINAGAWA kamakailan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) Mimaropa ang kick-off ceremony at paglulunsad ng “Smart Village” na pinamunuan ni DICT Regional Director Cheryl Ortega sa Barangay Caagutayan, San Teodoro.

Ang naturang aktibidad ay bahagi ng pagdiriwang ng 2024 National ICT Month na may temang; ‘Bayang Digital, sa Bagong Pilipinas,’ na kung saan inilunsad noong Hunyo 6 sa Kalap Hall ng City College of Calapan sa lungsod na ito.

Sinabi ni Ortega sa kanyang mensahe na, “Ang aming misyon sa DICT ay paglingkuran ang mga nasa laylayan ng lipunan lalo na ang mga nasa Smart Village and Smart Island o SVSI partikular ang mga katutubo bilang suporta sa global program ng International Telecommunications Union (ITU) na ang hangarin ay makapasok ang taong bayan sa internet connectivity para sa makabagong teknolohiya at maturuan gumamit ng mga gadgets, laptop at iba pang pamamaraan para mapabilis ang kanilang pag-aaral at makapag hanapbuhay sa pamamagitan Digital Technology. “

Nagkaloob din ang nasabing ahensya ng limang tablet para magamit ng mga mag aaral at guro ng Caagutayan Elementary School.

Ang aktibidad ay bahagi ng isang buwan na selebrasyon ng 2024 National ICT Month na may temang “Bayang Digital, ang Bagong Pilipinas.”

Nakiisa rin sa nasabing gawain ay ang Local Government Unit ng San Teodoro, Sangguniang Barangay ng Caagutayan, Samahan ng Katutubong Manggagawa ng Barangay Caagutayan, gayundin ang iba’t-ibang sangay ng ahensya ng pamahalaan sa lalawigan, ang Department of Health, Department of Science and Technology, Philippine Information Agency Oriental Mindoro, Provincial Information Office, Department of Trade and Industry, Department of Education, at Philippine Statistics Authority. (DN/PIA Mimaropa-Oriental Mindoro)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -