NANAWAGAN si Senador Francis “Tol” Tolentino na magkaisa ang mga Pilipino sa tumitinding mga pangyayari sa West Philippine Sea. Narito ang kanyang pahayag sa kanyang Facebook page.
“Bukod sa paghingi ng tulong sa international humanitarian agencies, tayo rin po mismo bilang mga Pilipino ay kailangang magkaisa. Ipagdasal po natin ang ating mga mangingisda at mga sundalo. Isang bandera lang po tayo. Isa lang po ang Pilipinas.”