SA ika-77 anibersaryo ng Philippine Air Force (PAF), inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang patuloy na suporta ng administrasyon sa PAF at Armed Forces of the Philippines (AFP). Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng kalusugan at kapakanan ng mga sundalo para sa ligtas at epektibong pagtupad ng kanilang tungkulin.
Pinagtibay ni Pangulong Marcos Jr. ang patuloy na suporta ng pamahalaan sa Philippine Air Force (PAF) sa pamamagitan ng dagdag na air assets, makabagong cyber warfare communication systems, at pinaigting na base development programs.
Iginawad ni PBBM ang iba’t ibang parangal sa mga nagpakita ng kakaibang tapang at husay sa tungkulin. Hinikayat din ng Pangulo ang sama-samang pagbuo sa mas malakas na Hukbong Himpapawid para sa seguridad ng mga Pilipino at kapayapaan sa bansa.