27 C
Manila
Lunes, Setyembre 16, 2024

Villanueva: Bilisan plano ng gobyerno sa kahandaan ng job market sa AI

- Advertisement -
- Advertisement -

NANAWAGAN si Senador Joel Villanueva sa Department of Labor and Employment (DoLE), National Economic and Development Authority (NEDA), at iba pang ahensiya ng gobyerno na madaliin ang kahandaan at kakayahang umangkop ng Philippine labor market sa Artificial Intelligence (AI) para mapigilan ang pagkawala ng trabaho.

“We welcome new technology to make work life easy and lift productivity, but this requires DoLE and other agencies to work double time to make our workforce technically adept and equipped with crucial skills like critical thinking and problem solving, otherwise we would just be counting job losses,” sabi ni Villanueva, chairman ng Committee on Labor, Employment and Human Resource Development.

Nauna nang naghain si Villanueva ng Senate Resolution No. 990 para alamin ang kahandaan ng gobyerno upang tugunan ang epekto ng AI sa local labor market at estado ng trabaho sa bansa.

Kamakailan ay sinabi ng DoLE na unang maaapektuhan ng paggamit ng AI ang “manual operations” ng ilang mga tanggapan.

Sabi pa ni Villanueva, principal author at sponsor ng Trabaho para sa Bayan (TPB) Act at ng Philippine Digital Workforce Competitiveness Act, na dapat isama ng NEDA sa kanilang mga konsultasyon ang epekto ng mga umuusbong na mga industriya gaya ng AI.

“The global push for digitalization and the widespread use of Al in all industries necessitate the need for an examination of the government’s programs and projects to prepare the country’s workforce to fully embrace the challenges of Al,” sabi pa niya.

Ayon sa isang pag-aaral ng International Monetary Fund, halos 40% ng global employment ay exposed na sa AI. Sa isang pang survey, 40% ng ‘young people’ sa buong mundo ay nababahalang mawalan ng trabaho, habang 33% naman ay nakikita ang AI na malaking dahilan ng pagbabago sa kanilang hanapbuhay.

Noong 2021, naglunsad ang Pilipinas ng National Artificial Intelligence roadmap para mapabilis ang pag-adopt ng AI upang maisulong ang industrial development, makabuo ng quality entrepreneurship, at makapagbigay higher-paying opportunities para sa mga Pilipino.

Ang Technical Education and Skills Development Authority (Tesda) naman ay bumuo ng National Industry Board for Analytics and Artificial Intelligence sa pakikipagtulungan sa Analytics Association of the Philippines.

Ayon pa sa dating Tesda secretary, nakapaloob sa Tulong Trabaho Fund (TTF) ang mga pagsasanay sa emerging industries, AI, at ang paghubog ng micro-credentials. Sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act, naglaan ang gobyerno ng P1.035 bilyon para sa TTF.

“AI will move from a ‘nice-to-have’ to a ‘must-have’ technology. Businesses, offices, and organizations must be fully prepared to leverage it,” ani Villanueva.

“Our government agencies must develop a cohesive plan to manage the integration of new technologies into the labor market. The goal is to make sure that humans and machines can create better results when working together,” pagtatapos pa niya.

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -