SINIGURO ni Department of Transportation Secretary at Cabinet Officer for Regional Development and Security for Cordillera Jaime Bautista ang suporta para sa tuloy-tuloy at matiwasay na implementasyon ng mga proyekto para sa transportasyon sa rehiyon.
“The existing transport systems in the Cordillera region will have to be modernized to improve movement of people and goods. Help us uplift the lives of communities. We should realize the rich potentials around them. We believe tapping those opportunities only means efficient transport systems. We will always support efforts to keep this region thriving and progressive,” ani Bautista.
Sa presentasyon ng Joint Regional Task Force on Ending Local Communist Armed Conflict 2024 1st Semester Accomplishment Report nitong Lunes, July 8, 2024, binigyang-diin ng kalihim ang kahalagahan ng pagresolba sa mga isyu ng seguridad at armed conflict upang masiguro ang matiwasay na implementasyon ng mga proyekto sa rehiyon.
“Transformations in public utility vehicles are going on as we move forward with the public transport modernization program. Many cities have embraced the program and we cannot allow security issues to further delay this and other transport projects,” giit ni Bautista.
Kinakailangan aniya na maging moderno ang transportasyon para sa ikauunlad ng rehiyon at hindi nila hahayaang maantala ang implementasyon ng mga transport projects dahil lamang sa isyu sa seguridad. Binanggit nito ang pag-aaral para sa posibilidad ng self-driven cable car system sa Camp John Hay, Baguio City.
Aniya, kapag napatunayang maaaring ipatupad ang sistema sa lungsod ay posible ring magkaroon ng cable car systems sa iba pang lugar. Ayon kay Bautista, mayroon ding iba pang railway systems na pinag-aaralan para sa Cordillera bilang bahagi ng 30-year Railway Master Plan. Binanggit din nito ang planong pagpapalawak sa North to South Commuter Railway System o NSCR na nagsisimula sa Clark, Pampanga. Plano nila itong i-extend pahilaga sa Laoag o pasilangan sa Cagayan Valley o pakanluran sa Subic.
Umaasa rin sila sa agarang paglalagay ng bike lanes sa Baguio City at sa mga karatig na lugar. (DEG-PIA CAR)