28.6 C
Manila
Sabado, Oktubre 12, 2024

Sipi ng panayam kay Sen Hontiveros sa Senado tungkol sa pag-aresto kay Mayor Alice Guo

- Advertisement -
- Advertisement -

NARITO ang bahagi ng isinagawang panayam kay Senator Risa Hontiveros hinggil sa utos ng Senado na arestuhin si Mayor Alice Guo at iba pang mga akusado.

Q: Ma’am, na-mention ninyo na bigo pa rin hanggang ngayon na ma-aresto si Mayor Alice Guo. Is it about time po na hingin na nyo ang tulong ng other law enforcement agencies sa paghanap kay Mayor Alice Guo at iba pa na pinapa-aresto nyo?

Senator Risa Hontiveros (SRH): Sa ngayon po, patuloy pang nagsiserve ng mga cited in contempt, kung warrant of arrest at saka mga subpoena ang Office of the Sergeant at Arms. At patuloy akong umaasa sa OSAA hindi lamang na tuloy nilang tutuparin ang kanilang tungkulin kundi sila po ang mag-gagabay din po sa akin at sa amin kung kailangan nang humingi ng tulong ng ibang mga law enforcement agencies.

Nagawa na rin po natin yan dati sa mga dating mga imbestigasyon so sabihin lamang po ng OSAA na kailangan yung tulong na iyon ay madali po naming hingiin.

Q: Okay. So for now, ma’am, OSAA muna ang magsiserve ng arrest order.

SRH: Yes. For now po, patuloy ang OSAA magsiserve ng mga arrest warrant at pati po yung mga subpoena.

Q: Ma’am, may natatanggap na ba kayo ng mga intelligence report ukol sa whereabout ni Mayor Guo?

SRH: Wala pa po kaming ibang impormasyon bukod sa huling sinabi ng Bureau of Immigration sa amin nung nakaraang hearing na batay sa kanilang impormasyon bukod sa mga magulang ni Guo Hua Ping na umalis sa bansa bago pa sila isyuhan ng ILBO o Immigration Lookout Bulletin Order. Ang presumption po ng BI ay dahil walang information sa pag-alis ni nina Guo Hua Ping ng kanyang mga kapatid at yung ibang sinerve-an ng warrant of arrest na silang iba pa ay nandito pa sa Pilipinas.

Q: So ma’am, possible kaya na may tumutulong kay Mayor Guo na makapagtago para makaiwas sa pag-arrest? And just in case, ano po yung liability ng sinumang tutulong sa kanya na magtago?

SRH: Well, syempre, posible na kapag ang isang public figure na nito nga hanggang nito lamang ay napaka-active naman sa Facebook ay hindi pa rin maserve-an ng warrant of arrest dahil hindi mahanap, then of course, posible na may mga magtatago sa kanya o nagtatago sa kanya. At kung ganoon, eh posibleng matanong din sa kanila kung hindi ba sila guilty ng obstruction of justice dahil covered na po ng isang citation in contempt at warrant of arrest mula sa Senado.

Q: Sabi po ni Atty. David, si Mayor Alice is contemplating whether she would voluntarily surrender herself or mag-appear before the Senate. In-advise daw po niya si Mayor Alice na hindi niya habang-buhay na maiiwasan yung pag-aresto. Any comment on that, ma’am?

SRH: Yes, mabuti naman kung ganoon ang payo ni Atty. ni Guo Hua Ping. Kung mula sa simula ay nagpatuloy lang siyang paunlakan ang aming imbitasyon kung iginalang lang sana niya ang subpoena, hindi na sana umabot sa ganitong maisyuhan pa ng citation in contempt at warrant of arrest. And for sure, lalo na’t umabot na sa ganitong punto, mas maigi sundin niya ang payo ngayon ng kanyang legal counsel na voluntarily humarap na sa Senado at tapusin niyang sagutin ang aming mga tanong at harinawa makatotohanan na lalo na tungkol sa kanyang identity, yung nasyonalidad na pruweba na namin sa tulong ng NBI na hindi Pilipino, hindi siya yung, kundi siya yung Guo Hua Ping nung naunang fingerprints niya at sa ganoon matigil na yung kanyang paghadlang bagkus makatulong pa nga siya sa imbestigasyon ng aming komite.

Q: Okay, last two questions from my end. Ma’am, ngayon nakadetain na yung sinasabing accountant ni Mayor Alice, i-encourage niyo ba siya na makipagtulungan na lang, ibigay lahat ng nalalaman about Mayor Alice Guo?

SRH: Well, certainly, kapag meron kaming resource person na naging subject pa ng subpoena at ngayon ay naaresto sa bisa ng isang citation in contempt o warrant, ang expectation po namin sa kanya ay at least siguradong haharap na siya, mahaharap na siya sa aming komite. At syempre, ang malakas na payo sa kanya ay sagutin niya ng makatotohanan yung aming mga tanong sa hearing. Lalong-lalo na tungkol sa POGO, dyan sa Bamban, Tarlac, at kung saan pa na maaaring may kinalaman siya, at mga tanong din tungkol kay Guo Hua Ping.

Q: So, pwede ba maging susi itong si, itong kanyang accountant para ho malaman na lahat all about Mayor Alice Guo and then malaman din yung kinararoon na ni Mayor Alice?

SRH: Maaaring si Ms. Gamo ay maging susi sa pinakasusi. Dahil hanggang sa ngayon, ang pinakasusi pa rin sa ganitong yugto ng aming imbestigasyon ay si Guo Hua Ping mismo.

Q: At last na lang ma’am, ngayon ba lumalalim na yung connection ni Michael Yang dito sa POGO? The mere fact na may mga binanggit po kayo kanina tukol sa yung mga transaction na nakita n’yo na pati kapatid ni Michael Yang e involved …

SRH: Yun na nga eh. So kaya sinasabi ko talaga parang one big happy Pharmally ito. Hindi lang pala na may posibleng link talaga si Michael Yang, pati si Michael Yang dito sa iniimbestiga namin ngayong mga POGO, pati kapatid niya ay lumitaw na sa mga dokumento. Una nung ni-raid yung POGO Hub dyan sa Bamban, Tarlac, maraming papeles ng iba’t iba pang mga POGO ang nakuha doon.

At yung isa nga ay yung mga papeles ng Brickhartz Technology Inc. Nung sinuri na namin yung incorporators ng Brickhartz, yung isang pangalan na lumabas doon at nag-standout ay yung kay Gerald Cruz. Standout po sa amin yun at pamilyar dahil si Gerald Cruz din nga ay incorporator din ng Pharmally Biological Inc. At salamat na lang sa napakamalawak na naging hearings ng Blue Ribbon Committee noon tungkol sa Pharmally, sa ilalim nung dating tagapangulo niya si dating Sen. Dick, alam natin na iyang si Gerald Cruz ay incorporator din sa isa pang kumpanyang nagngangalang Full Win. At sino ang chair ng Full Win na iyan? Walang iba kundi si Michael Yang. But wait, there’s more. Yung POGO na Brickhartz, yung email niya ay pareho din sa email address ng kumpanyang nagngangalang Shon Wei, Technologies Incorporated na POGO, yung Shon Wei at pagmamay-ari rin din ni Michael Yang. Yung mahiwagang Michael Yang na dating Presidential Economic Advisor ni Duterte at napakalapit sa dating pangulo.

So kaya ako sinasabi na parang one big happy Pharmally, itong dating Pharmally members na lumilitaw one by one ay POGO members din. Pinakalate nga na idagdag dito yung kapatid ni Michael Yang.

Q: So sa July 29, ipapatawag na ma’am si Michael Yang at yung kapatid niya, hindi pa?

SRH: Hindi pa po namin na-desisyunan kung na si Michael Yang o si Hongjiang Yang. Pero at least lumitaw na talaga sila sa fact-finding namin. So, kumbaga bahagi sila ng cast. Hindi lamang ng Pharmally noon, pero ng POGO ngayon na aming iniimbestiga.

Q: Ma’am, so yung OSAA with PNP nagpunta na sa Tarlac, sa Valenzuela, Quezon City, Bulacan, at hindi po nahanap nga si Mayor Guo and her family members. So saan pa po sila pwedeng mag-check, ,a’am, para mahanap tong mga, tong pamilya?

SRH: So yun yung bahagi ng payo na hihintayin o hihingiin ko sa OSAA kung kailangan pa ba ng iba pang tulong at sa iba pang ahensya ng gobyerno. Pero sa ngayon, kinukompleto nila ang pag-serve ng iba pang warrants of arrest at saka mga subpoena.

Q: Yung parents, ma’am, si Jian Zhong Guo and alleged mother na si Wen Yi Lin. Parang lost case na yun.

SRH: Well, I wouldn’t say lost case pero hindi nga na-serve na ng warrants at may nauna tayong impormasyon mula sa BI. Pa-update ko na lang siguro sa susunod na hearing na nauna na daw silang nangibang-bayan bago pa ma-issue yung ILBO na kasama ang mga pangalan nila.

Q: Ma’am, can you confirm may HDO o hold departure order na po ba against Mayor Guo?

SRH: Right now, I can’t confirm yet na may HDO na kay Guo Hua Ping pero nakatulong yung mga sagot ng ilang mga resource persons namin nung nakaraang hearing, both yung Bureau of Immigration at saka if I remember correctly yung DOJ IACAT na kapag mayroon ng warrant of arrest or kung mayroon ng certain stage sa isang active case halimbawa yung kaso for qualified trafficking in persons na inihainan ng DOJ kay Guo Hua Ping ay magkakaroon ng bisa yon ng isang HDO. Yan din ay mga isinagot nila sa tanong ni SP Pro Tempore Jinggoy nung nakaraang hearing.

Q: And ma’am, kumusta po si Ms. Nancy Gamo sa detention? And ano po yun? Hindi siya pwedeng umuwi hanggat hindi natatapos yung July 29 hearing?

SRH: Well, sa July 29 hearing ay ihaharap na po siya and then the committee can decide kung ano po yung susunod na mangyayari.

Q: How is she now, ma’am? Sa detention?

SRH: As far as I know, she’s alright and yung mas kumpleto at detalyadong ulat ng OSAA ay yung PRIB na po ang mag-update sa inyo sa Senate Media.

Q: Ma’am, matter of procedure lang po sana. Si Mr. Dennis Cunanan, ang sabi po ng kanyang lawyer, pupunta na lang siya sa next hearing at hindi na kailangan na for him to submit himself right now kahit na may arrest order. O this is allowed po ba? So long as pumunta yung isang tao? So long as pumunta yung isang tao na may arrest order sa next hearing, hindi kailangan na i-detain po siya?

SRH: Wala akong alam na ganyang precedent. Unfortunately, nag-absent si Mr. Cunanan nung nakaraang hearing kahit subject na ng sagpina, kaya’t naisama po siya dun sa warrant of arrest.

Pag-aaralan namin itong sinabi nung kanyang abogado or kung may formal communication sila. Pero as I understand it, in this moment, kapag subject ka ng warrant of arrest, it’s either magsu-surrender ka dun o aarestuhin ka.

Q: Sabi nyo nga po, lumalalim yung Michael Yang connection. So lumalalim din po ba yung Duterte connection dito po?

SRH: Posible. Yun yung susunod na dots na titignan kung maikokonekta o hindi. Naalala ninyo, inimbestigayan nung nakaraang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee, nung nakaraang kongreso. Sa… eskandalo ng Pharmally. Tapos ngayon, lumilitaw ulit yung pangalan ni Duterte, at least in connection sa pangalan ni Michael Yang na lumitaw na sa mga panimulang ebidensyang nakuha namin, ay talagang posible may connection din dito sa mga POGO na ito. So aalamin po namin yun as the investigation continues.

Q: Hi, ma’am. Good afternoon. Ma’am, dun lang ulit. Balik lang ako kay Alice Guo. About yun sa mental health, may medical intervention na raw pong ginagawa, or nag-a-undergo siya ng medical intervention.

Just in case, ma’am, payag ba kayo if ever, dahil nga may medical intervention ay via Zoom or online ang kanyang pagdalo sa healing?

SRH: Sa ngayon, lahat ng resource persons namin, lalo na wala namang pandemya na, at presume namin nandito sila lahat sa bansa, ay kailangang humarap sa komite.

And I would remind everyone, hindi lang si Guo Hua Ping, kahit yung isang resource person na iniimbestiga namin, o ng Blue Ribbon Committee, nung nakaraang kongreso kaugnay ng Pharmally, siya talagang may medical certificate nung kanyang doktor na meron siyang hinaharap ng mga mental health concerns, pero patuloy pa rin siyang humarap. Albeit online dahil pandemic noon.

So, isa na po ako sa advocate talaga ng mental health, at the same time, out of courtesy, respect sa lahat ng mga totoong nagmamanage ng kanilang mental health concerns, hindi dapat payagan at maging precedent na gamitin ang mental health bilang dahilan para umiwas sa accountability.

Nasabi na rin po ni SP Chiz noon, na handa po ang Senado at inulit ito ni, or inulit ko nung hearing, sagot sa tanong ni SP Pro Temp Jinggoy, na handa ang Senado mag-provide ng doktor na pwedeng mag-check up din kay Guo Hua Ping.

Q: Sinasabi nung lawyer niya ngayon, ma’am, na grabe yung trauma na hinaharap ngayon, especially with the release of the arrest order. Paano yun, ma’am? Sabi niyo kasi hindi niya pwede itong gamitin as excuse, pero if it is possible that she’s really undergoing such trauma, paano pong mangyayari yung arrest at paano pong masisiguro na hindi na lalala yung trauma niya in case, kung siya ay maidetine?

SRH: Ang pinaka-nakakatrauma ay hindi pa kay Guo Hua Ping, kundi sa buong bansa, itong dami ng mga pagsisinungaling niya at pagiiwas, lalo na tungkol sa mga krimen na ang daming masasamang epekto na dulot na sa atin.

Kaya nasabi ko na rin kay Mayor Alice Guo o Guo Hua Ping dati na ang pinaka-makakapagpalagay sa kalooban o isip ni naman, ang pinaka-makakatanggal o bawas ng trauma ay yung pagsasabi ng totoo.

So, humarap muna siya, magpakita muna siya ng intensyon na either mag-surrender o di tulad nitong nakaraang araw na umiwas sa pag-serve ng warrant of arrest at makikita niya, yung sinasabi niyang mental health issues ay natural na mas iibsan kapag this time around, magpakita na siya ng respeto sa komite, sa senado, at sa mga mamamayang Pilipino.

Q: Ma’am, di ba sinabi po ng BI last time na walang record na lumabas siya ng bansa. Pero, si Alice Guo, si Mayor Guo, nung last Saturday napuntahan na lahat nung pwede niyang pagtaguan or puntahan, pero wala siya. So, can you honestly still say and believe na nasa bansa pa siya?

SRH: Well, I have to honestly say na, at least based sa official information na meron kami, nandito pa siya sa bansa. Whether I completely believe it, I just have to say that I hope nandito pa siya sa bansa para mapaharap siya at managot siya sa kanyang mga accountabilities. Gayunpaman, andito man siya o wala at yung ibang mga resource persons by the time of our hearing, itutuloy po namin ang aming imbestigasyon.

Q: Anong direction ng ating hearing just in case wala pa rin po Mayor Alice Guo na dumating hanggang July 29? Ano po yung iikutan nung hearing? Are we expecting the AMLC na idedetalye po niya kasi di ba na-freeze na po yung mga assets ni Mayor Guo po?

SRH: That’s one possibility na yung AMLC ay magiging malaya na kung umusad na yung kaso nila up to a certain point na mas bigyan ng publiko ng detalye nung pag-freeze nila sa bank accounts at saka iba pang assets ni Mayor Alice Guo o Guo Hua Ping.

Gayun din, itutuloy namin yung pag-imbestiga dun sa mga koneksyon sa Pharmally members na lumilitaw ngayon na bilang POGO members din. At siyempre meron pa kami iniimbitang mga bagong resource persons tulad ni dating Secretary Harry Roque at dating Pagcor Chair Domingo.

Q: Sorry, one last ma’am. Nag-yes na po si Atty. Harry Roque na atin sa July 29?

SRH: I’ll get back to you on that kung nag-confirm na siya. Pero sabi ng iba, sinasabi niya. Sabi niya sa media na dadalo siya. But we’ll have to rely on the official confirmation. So I’ll get back to you on that.

Q: Ma’am, as you said, we can only hope na nasa bansa pa po si Mayor Alice Guo. Ma’am, in the event na nakaalis na siya ng bansa, ano po yung next steps ng komite?

SRH: Dun sa isa pang angulo nitong iniimbestigahan namin, lumilitaw, posibleng may koordinasyon na sa ating mga law enforcement agencies, sa law enforcement agencies sa ibang bansa on certain angles of this investigation. Kung yung worst case scenario ang mag-materialize na wala na dito sa bansa si Guo Hua Ping, then posibleng itanong namin ng komite sa ating mga law enforcement agencies, kung makahingi din sila ng tulong sa mga law enforcement agencies sa ibang bansa para patuloy na makuha yung mga sagot sa mga tanong namin kay Guo Hua Ping. So that’s one possibility that I see.

Q: Coordination with other law enforcement agencies ng ibang mga bansa, posibleng niyang puntahan po ma’am?

SRH: Or at saka coordination sa mga law enforcement agencies ng ibang mga bansa na nag-iimbestiga na ng iba’t ibang anggulo nitong iniimbestiga namin sa POGOs dito sa Pilipinas.

Q: Hindi po kaya nape-preempt nung mga announcement? For example, noong sa hearing when she was cited in contempt and sinabi na magi-issue ng warrant of arrest against her. Hindi kaya nape-preempt nung ganong mga announcement? Kaya nakakatakas na before or nakakapagtago na? Kung yun po yung parang lumalabas dahil wala na siya sa mga addresses. Hindi kaya nape-preempt?

SRH: Hindi preemptive yun. Sa tingin ko, ang Committee on Women tulad ng anumang Senate Committee, we operate regularly, wala kaming sinisikreto. Di tulad ni Guo Hua Ping, mukhang ang dami pa rin sinisikreto hanggang ngayon. So every step that we take under our own mandate, under our lawful powers, kumbaga ginagawa naming of public knowledge.

At dahil umaasa naman ako at kahit sinong committee chair sa Senado na ise-serve ito faithfully ng OSAA. And ine-expect ko rin, ine-expect din namin, na kahit sinong mamamayan na may respeto sa Senado, ay gagalang sa subpoena at lalo na haharap sa citation in contempt or warrant of arrest.

Q: Mayroon po kayong idea kung gaano karaming authorities yung involved or fired at kung sino po po mga authorities yung deployed para hanapin si Alice Guo and yung others?

SRH: Okay. So, sa ngayon, ang OSAA po ang nagsiserve ng mga warrants of arrest at saka subpoena.

Q: Ma’am, I am asking po kung ilan mismo OSAA? Are we allowed to say that?

SRH: You will have to ask OSAA or PRIB about that. Ongoing pa po yung pagse-serve. Oo. So, hindi pa po tapos yung pagse-serve.

Q: Okay po. Ma’am, yung last question na lang po, yung sinabi po kasi ng lawyer ni Michael Yang, ni Atty. Raymond Fortun before, hindi naman daw po porket incorporator si Gerald Cruz sa company ni Michael Yang, guilty na rin or connected na rin daw si Michael Yang sa problema ng POGO. Although in this case, ngayon po sinabi niyo yung kapatid na mismo ni Michael Yang is involved, but they might use that same explanation. What do you say to that point?

SRH: Well, hindi ko pa naman sinabi na na-prove na namin na connected or guilty si Michael Yang sa POGO. Pero sinabi ko yung mga sinabi ko, what we established about him nung panahon ng Pharmally, and the fact that, yung kapatid niyang si Hongjiang Yang ay lumabas sa mga papeles ng Hongsheng, yung POGO na ni-raid sa Bamban, Tarlac.

But, if precedents from the time of Pharmally are to be believed, inaalam po namin ngayon, niri-research kong dito rin sa mga POGO, yung mga koneksyon nung dati, ayun din yung mga connection, yung mga connection sa ngayon. So, ongoing pa yung aming imbestigasyon.

Q: Ma’am, since her arrest nung Saturday, were you able to speak with Nancy Gamo, kahit over the phone?

SRH: Hindi pa po.

Q: Ma’am, tapos yung, yung binabanggit niyo po kanina na transaction, ah, between Alice Guo and yung kapatid ni Michael Yang? May we know kung magkano po yung amount na involved? At saka gaano po ka-frequent yung naging transactions?

SRH: Baka mas matatanong natin yan sa AMLC, no, sa susunod na hearing. What I can tell you pa lang so far ay yun na nga po, na lumabas yung pangalan ng kapatid ni Michael Yang sa AMLC na may direktang transaksyon. Hindi ko pa masabi yung halagang iyon. Na may transaksyon si Mayor Alice Guo both dun kay Yu Zheng Can na incorporator ng Hongsheng at may kasama siyang Hongjiang Yang sa transaksyon iyon at sa Hongsheng na kapatid ni Michael Yang. Hindi ko pa masabi yung halaga.

Q: Ma’am, ano pa po yung pwedeng details kaya? I understand confidential po yung ibang information ng AMLC. Pero ano pa po kayang ibang details na pwede nyo i-provide regarding dun sa direct relationship or link ni Alice Guo dun sa kapatid ni Michael Yang?

SRH: Well, yung isa pa ay nabanggit ko na rin kanina na si Hongjiang Yang na kapatid ni Michael Yang ay incorporator din sa Full Win Group of Companies kung saan yung isa pang tao na si Gerald Cruz na incorporator nga din sa Pharmally Biological at incorporator din sa POGO naman na Brickhartz.

So parang interlocking directorates ng mga connection among individuals and among companies na yung iba ay na-involve na dati sa Pharmally at yung iba ay involved ngayon sa POGO.

Q: Yung transaction ni Guo Hua Ping at saka ni kapatid ni Michael Yang, happened at the time when the POGO hub in Bamban was still being constructed? [Inaudible]

SRH: Hindi ko pa matukoy yung petsa, nung transaksyon ko yun, and we will have to ask AMLC sa susunod na hearing.

Para sa kabuuang transcript ng panayam, bisitahin ang website ng Senate of the Philippines

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -