30.4 C
Manila
Sabado, Oktubre 5, 2024

Mga Cayetano at DSWD, nagtulungan para magdala ng tulong sa Negros Occidental

- Advertisement -
- Advertisement -

SA kanilang patuloy na pagdadala ng tulong sa mas maraming residente ng Negros Occidental, muling binisita ng mga tanggapan nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano ang lalawigan noong July 13, 2024 upang alalayan ang 600 Negrense sa San Carlos City.

Sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), nagpaabot ng tulong ang mga Cayetano sa mga health workers, sports coaches, at traffic enforcers ng San Carlos City sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng kagawaran.

Kinilala ng inisyatibong ito ang kanilang mga mahalagang tungkulin sa pagpapanatili ng public health, sports development, at road safety sa kanilang komunidad.

Isa sa mga benepisyaryo ay si Ana Liza Navillai, isang Barangay Health Worker (BHW), na sinabing ang napapanahong tulong na ito ay makakatulong sa pangangailangan ng kanyang pamilya lalo na sa mga school supplies ng kanyang mga anak para sa nalalapit na pagsisimula ng pasukan.

“Malaking tulong po sa amin ito. Magagamit ko po ito para makabili ng school supplies ng mga anak ko dahil malapit na ang pasukan,” wika niya.

Naging matagumpay ang aktibidad na ito sa tulong ni San Carlos City Mayor Renato “Rene” Gustilo, na nagpahayag din ng pasasalamat sa mga senador sa kanilang suporta sa mga residente ng lugar.

“Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa inyo sa inyong mga programa at sa tulong na ibinibigay ninyo sa amin,” wika niya.

Magmula noong May at June, naging abala na ang mga tanggapan ng mga Cayetano sa pagbisita sa mga marginalized communities sa Negros Region, kung saan nagpaabot sila na ng tulong sa libu-libong residente.

Ang mga hakbangin na ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng mga Cayetano na suportahan ang mga komunidad na nangangailangan sa buong bansa.

Sila ay nakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at local units upang matiyak na ang mga Pilipinong nangangailangan ay makakatanggap ng kinakailangang tulong.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -