27.5 C
Manila
Sabado, Oktubre 5, 2024

Cayetano, umaasang ibabalangkas ng SONA ang infrastructure projects sa bansa

- Advertisement -
- Advertisement -

PARA kay Senator Alan Peter Cayetano, ang magandang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo ay babalangkas ng isang matatag na infrastructure plan na mag-iiwan ng pangmatagalang pamana para sa mga Pilipino.

Ito ang komento ni Cayetano sa mga mamamahayag tungkol sa SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayon, Hulyo 22, 2024.

“Each administration has real pet bills, projects, or mission in life… BBM has long-term ambitions… Y’ung mga mabibigat na talagang gusto niyang ilarga, now is the time to say it,” wika ng beteranong senador sa isang media briefing nitong Huwebes, July 18.

Katulad ng mga matagumpay na proyekto sa Hong Kong at Japan na sinimulan ilang dekada na ang nakalipas, binigyang-diin ng senador ang kahalagahan ng pagsisimula ng malalaking proyekto ngayon upang matiyak ang napapanahong pagkumpleto at pangmatagalang benepisyo.

“If you visited Hong Kong in the late 80s or early 90s, never ka pumunta ng Hong Kong na walang ginagawa sa kanilang subway. Ngayon, after 30 years, konektado na ang buong ilalim nila at halos pwede mo rin lakarin at nakakabit na lahat ng tren. Lalo ang Japan. Kapag nakita mo y’ung Japan, parang ugat ng tao na nag halo-halo y’ung mga linya ng tren,” aniya.

“Ang point ko, are we going to be happy that the last administration negotiated the subway and then just wait for it to finish by 2027, 2028, or 2029? Hindi ba dapat y’ung part 2 ng subway or y’ung subway for Cebu, or other trains for other parts of the country, ngayon pa lang iniisip na?” dagdag niya.

Sinabi din ni Cayetano na ang kinabukasan ng Metro Manila ay nakasalalay sa pag-uugnay sa Greater Manila Area, na kinabibilangan ng rehiyon ng Calabarzon at mga lalawigan ng Bulacan at Pampanga.

“Will we be satisfied with a Metro Manila subway or will we connect a Greater Metro Manila subway? Kasi if you don’t start that at kung walang direction sa SONA now, believe me, hindi mangyayari,” komento niya.

Binigyang-diin ni Cayetano ang pangangailangan ng administrasyon na gumawa ng pangmatagalang estratehiya sa imprastraktura upang makapag-iwan ng pangmatagalang pamana.

“Kailangan din na medyo pukpukin y’ung infrastructure na long term… Remember presidents think of their legacy. Kapag nasabi niya sa SONA ‘yan, babalik-balikan niya ‘yan. Kasi kayo mismo sa media, babalik-balikan iyan kung nagawa o hindi,” wika ng senador.

Aniya, napapanahon ngayon ang paglatag ng mga proyekto dahil magiging abala na ang lahat sa paghahanda sa presidential elections sa 2028.

“The time for the political will of SONA is now until next year. After that, pulitika na,” wika niya.

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -