32.2 C
Manila
Sabado, Oktubre 12, 2024

Travel Tax, pinasisibak ni Sen. Tulfo

- Advertisement -
- Advertisement -

MAGHAHAIN si Sen. Idol Raffy Tulfo ng panukalang batas para sibakin na ang travel tax na ipinapataw ng gobyerno sa lahat ng mga Pilipino na nagnanais magbiyahe papuntang abroad.

Ayon kay Sen Idol, ang pagoobliga sa pagbayad ng travel tax bago makapag-abroad ay labag sa ating 1987 Constitution na nakapaloob sa Article 3, Section 6 ng Bill of Rights.

Ang pinagbabasehan ng pamahalaan ng patuloy na pagpataw ng travel tax ay ang Presidential Decree 1183 na inilabas noong taong 1977.

Sa PD 1183, ang mga Filipino na exempted sa pabayad ng travel tax ay ang mga OFW, sanggol, at gov’t officials and corporations on official travel.

Ayon kay Sen. Tulfo, bilang Chairperson ng Senate Committee on Public Services, nais niyang ma-repeal ang PD 1183, at sa isinusulong niyang panukalang batas, magiging exempted na rin sa travel tax ang lahat ng pasahero sa economy class.

Pero ang mga pasahero sa first and business class ay mananatiling magbabayad pa rin ng tinatawag na luxury tax.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -