29.9 C
Manila
Huwebes, Oktubre 10, 2024

Harvest Festival ng isinagawang  Lowland Vegetable Techno Demo, idinaos sa Mabalacat City

- Advertisement -
- Advertisement -

IDINAOS ang Harvest Festival at pagtatapos ng mga magsasakang lumahok sa isinagawang Lowland Vegetable Technology Demonstration and Derby nitong ika-30 ng Hulyo sa Brgy. Sta. Ines, Mabalacat City, Pampanga.

Ang proyekto ay kolaborasyon sa pagitan ng National Urban and Peri-Urban Agriculture Program (NUPAP), High-Value Crops Development Program (HVCDP), at mga pribadong kumpanya ng binhi at pataba.

Layunin nito na mapahusay ang kakayahan ng mga magsasaka sa pagtatanim ng lowland vegetables gamit ang mga makabagong teknolohiya at pagsasanay.

May kabuuang 4,212 sq.m. area ang tinamnan ng sari-saring gulay tulad ng talong, kamatis, hot pepper, siling panigang, kalabasa, sitao, ampalaya, okra, patola, at upo katuwang ang mga kumpanya ng binhi at pataba. Ang bawat kumpanya at nabigyan ng 702 sq.m. para sa pagtatanim ng mga gulay.

Para sa karagdagan impormasyon, bisitahin ang https://rfo3.da.gov.ph/ at https://www.facebook.com/DARFO3

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -