GINANAP sa DENR Central Office sa Quezon City, ang forum ay dinaluhan ng mga kumpanya ng pagmimina na nagbahagi ng mga pinakamahusay na kasanayan, programa, at updates upang mapabuti ang kakayahan sa pagharap sa climate change.
Kabilang sa mga presentasyon ang pagbabahagi ng weather monitoring system ng Philex Mining Corporation at water purification technology ng Chosen One Land Development Corporation. Bilang paghahanda para sa La Niña, sinabi ng DENR-Mines and Geosciences Bureau na mayroon nang Geohazard Operation Center upang magbigay ng impormasyon sa publiko at listahan ng mga apektadong barangay. Nakikipag-ugnayan din sila sa DoST-Pagasa upang matukoy ang mga lugar na posibleng maapektuhan ng malakas na pag-ulan.
Nag-presenta rin si DENR Undersecretary Carlos Primo David ng Draft Mining Framework na layuning itaas ang GDP ng bansa mula sa pagmimina ng dalawang porsiyento.