MASAYANG ibinalita ni Vice President Sara Duterte ang kanyang pagdalo sa pagbubukas ng Child and Adolescent Neurodevelopmental Center sa kanyang Facebook page na Inday Sara Duterte.
“Ikinagagalak ko pong makadalo sa inagurasyon ng Child and Adolescent Neurodevelopmental Center (Candev) sa Brokenshire Medical Center sa Davao City.
“Habang pinagmamasdan ko ang pasilidad, ikinatuwa ko ang ganda nito, ngunit higit sa lahat— ang tulong at bagong pag-asa na maibibigay nito para sa lahat ng mga batang may espesyal na pangangailangan.
“Mahalaga po ang pagpapatayo ng ganitong uri ng pasilidad para sa lahat ng mga Pilipinong nangangailangan.
“Ang aking taos-pusong pasasalamat sa serbisyo ng ating mga doktor, occupational therapist, speech therapist — sa inyong ‘di matatawarang serbisyo para sa ating kapwa.
“Mga kababayan, patuloy nating isulong ang pagmamahal at pantay-pantay na pagtanggap.
“Ang lahat ng ginagawa natin ay para sa Diyos, Bayan, at sa bawat Pamilyang Pilipino.
“Shukran.”