SA Public Transport Modernization Program (PTMP), maaaring gawing moderno ang “iconic” na modelo ng jeepney, pero kailangan ding maging “roadworthy” at sumunod ito sa Philippine National Standards.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, mas magiging komportable ang biyahe ng mga pasahero sa makabagong jeepney dahil sa modernong features nito.
Dagdag ng Kalihim, hindi agad papalitan ang mga lumang jeepney dahil kailangan munang magkaroon ng Local Public Transport Route Plan (LPTRP) ang mga lokal na pamahalaan. Mula sa Facebook page ng Department of Transportation-Philippines