IBINALITA ni Senador Joel Villanueva ang pagka-apruba ng Enterprise-based Education and Training (EBET) Framework Bill sa senado at ang kanyang co-sponsorship speech tungkol sa National Water Resource Management Act at manifestation of support sa pagdiriwang ng National Indigenous Peoples Day.
Aniya, “Aprubado na po ng Senado sa third and final reading ang ating isinusulong na Enterprise-based Education and Training (EBET) Framework Bill. Maituturing pong game changing measure ang panukalang ito dahil layunin nitong tugunan ang problema sa underemployment at job-skills mismatch sa bansa. “Nagpapasalamat po tayo sa ating mga kasamahan sa Senado sa kanilang suporta sa panukalang ito.
Bukod po rito, nagbigay din tayo ng co-sponsorship speech tungkol sa National Water Resource Management Act at manifestation of support sa pagdiriwang ng National Indigenous Peoples Day para kilalanin ang kontribusyon ng ating mga katutubo sa mayamang kultura ng bansa.