MULING kinilala bilang Outstanding Senator si Senator Kuya Bong Go sa ginanap na 8th Mandatory Continuing Legal Education (MCLE) Accredited National Convention ng Public Attorney’s Office (PAO) ngayong Martes, August 13 sa Philippine International Convention Center.
Ipinaabot ni Senator Kuya Bong Go ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa parangal na kanyang natanggap. Aniya, ang tagumpay ay nasusukat sa kung ilang tao ang iyong natulungan.
“Sa lahat ng mga kawani ng Public Attorney’s Office, as a member of the Senate Justice Committee, maraming, maraming salamat sa inyong lahat dahil kayo ang takbuhan ng ating mga mahihirap na mga kapwa Pilipino. Sa mga isinusulong kong mga pro-poor programs bilang isang Senador, malaki din ang aking pasasalamat sa PAO dahil sa inyong mga pro-poor programs. Pagdating sa kalusugan, kami ang takbuhan ng mga kababayan nating walang ibang malalapitan. Pagdating naman sa mga legal na usapin, kayo ang takbuhan ng mga kababayan natin. Konektado ang ating mga gawain,” ayon kay Senator Bong Go.
Ipinahayag din niya na siya ay patuloy na magseserbisyo sa mga Pilipino dahil ang bisyo niya ay magserbisyo at siya ay naniniwala na ang serbisyo sa tao ay serbisyo rin sa Diyos. Mula sa Facebook page ni Senator Bong Go