IPINAGDIRIWANG ngayong Agosto ang Buwan ng Kasaysayan. Sa ilalim ng Proklamasyon Blg. 339, s. 2012, binibigyang-diin ng buwang ito ang pag-aaral at pag-alala sa mayamang kasaysayan ng ating bansa. Nawa’y pagtuunan natin ng pansin ang kahalagahan ng ating kasaysayan upang mas maunawaan ang nakaraan at mapalalim ang ating karunungan para sa mas maunlad na kinabukasan.