28.5 C
Manila
Lunes, Setyembre 9, 2024

Maiinit na isyu sinagot ni Sen Hontiveros sa kanyang panayam sa Cebu media

- Advertisement -
- Advertisement -

NARITO ang transcript ng press conference ni Senador Risa Hontiveros tungkol mga maiinit na isyu ng bayan na ginanap noong Agosto sa Cebu.

Arrest warrant kay Pastor Quiboloy

Q: First question po, Senator, is it’s been months po no, since the last time you were here. Around March 21, I believe, it was the time na you mentioned na parang may papadala na sana na parang arrest warrant doon kay Pastor Quiboloy. And until now, lang beses na rin nagpunta yung mga awtoridad sa compound nila sa Davao. Thoughts po with regards to the actions po of PNP?

Senator Risa Hontiveros (SRH): Well, sa pagkakaalam ko, patuloy na pinaghahanap ng PNP, ating law enforcement authorities in general, si Apollo Quiboloy. Sumisikip na ang mundo niya. Hindi lumuluwag. Kasi bukod doon sa tatlong arrest warrants sa kanya dito sa Pilipinas, dalawa mula sa korte, isa mula sa Senate, meron siyang apat na tumatakbong kaso sa US. At kapag pa nalagay siya sa red list ng Interpol. Hindi lang isa, hindi lang dalawa, pero maraming law enforcement authorities sa ibang-ibang bansa ay maghahanap na sa kanya.

So, inuulit ko yung panawagan sa kanya, tulad ng ibang fugitives, tulad ni Guo Hua Ping. To save us all the trouble, humarap na si Apollo Quiboloy sa mga akusasyon sa kanya.

Today, we also heard na tumututol si Duterte doon sa pag-freeze ng assets ni Quiboloy ng Court of Appeals. So, ibig sabihin, nakakaramdam na rin yung panig nila ng pressure na ganoon. And that’s straight from the horse’s mouth, coming from yung administrator ng lahat ng properties ni Apollo Quiboloy.

Kaso ni Alice Guo o Guo Hua Ping

Q: Senator Risa, ngayong linggo, this week, inilabas na pala yung dismissal order ng Ombudsman kay Alice Guo, or Guo Hua Ping. So, your reaction to that? Masasabi niyo bang halos na-solve na yung issue, lalo-lalo na sa POGO?

SRH: Dahan-dahang nare-resolusyonan yung problemang nilikha ni Guo Hua Ping with this latest in a series of executive and constitutional actions sa kaso niya. Itong pagpapa-dismiss sa kanya bilang mayor ng Bamban, Tarlac. Nauna na yung pag-file ng DoJ ng seryosong kaso laban sa kanya ng qualified trafficking in persons, sinet in motion na rin ang Office of the Solicitor General yung pagbawi sa kanyang, sinabi ng PSA, irregular birth certificate. Meron na rin ihahain na tax case laban sa kanya ang BIR for at least half a million pesos in tax liabilities.

So, kumukumplika din. Hindi sumisimple yung sitwasyon ni Guo Hua Ping. So, ibig sabihin, nava-validate yung mga ebidensyang nailabas namin sa aming imbestigasyon ng Senate Committee on Women. And for sure, magandang bahagi ito ng pagsunod at dapat lang pagsunod ng buong executive sa total ban on POGOs na inanunsyo ni Presidente noong SONA niya. Effective that day, July 22, winding down hanggang katapusan nitong taon, December 31, na kasama doon sa winding down, yung paghanap ng ibang mga trabaho at hanapbuhay ng mga empleyadong Pilipino sa mga POGO. Maayos din na pagpapauwi ng mga foreign employees diyan, lalo na yung mga naging victim-survivors ng human trafficking. At, syempre, dapat din yung paghanap ng hanapbuhay ng mga para ancillary services na nag-hanapbuhay sa pagbebenta ng mga produkto at serbisyo sa mga Pilipinong POGO employees.

So overall it’s a very, very positive development na hanggang ngayon hindi ko pa matawaran yung saya at saka yung ginhawa na dulot ng POGO ban. Malaking tagumpay sa lahat natin na tinrabaho yang imbestigasyon at yung pagpapaalis ng POGO in the last four years.

Q: In relation po sa order ng President, of course, our investigation of the Senate po for POGO. Do you have any idea po if may POGO activities po ba dito sa Cebu, especially illegal ones?

SRH: Wala pa akong natanggap actually na impormasyon sa sino mang mamamayan o netizen o government agency tungkol sa POGO dito sa Cebu. I do know, however, na ang Pagcor nagbigay ng listahan ng mga POGO sa lahat ng local government units. So, pwedeng itanong kung meron din dito sa siyudad o sa probinsya ng Cebu.

Basta’t ang maganda dahil ibinigay ng Pagcor yung listahan iyan sa ating mga local chief executives, kumbaga, na-serve notice na all over the country na dapat ang local governments natin nakikipagtulungan sa national government, sa mga constitutional bodies na sundin nila yang utos, yang very significant policy change na inanunsyo ni Presidente noong SONA.

So, whether yung POGO or yung rebrand, renaming nila as IGL, or kahit yung mga naunang I-Gaming o kung ano pang tawag nila dyan pre-POGO, pati sa mga special economic zones, kasama na yung CEZA.

Q: Kokonek ko lang po ito sa fake documents ni Mayor Alice. Recently lang po, I think Monday, nakahuli yung NBI na isang pekeng, or nagpo-produce ng pekeng documents, kasama po yung live birth at saka mga license. Sa tingin niyo po, ano po pwedeng gawin ng government para maiwasan ito? May mga drastic change ba na kailangan gawin sa mga documents natin na inilalabas ng Pilipinas?

SRH: Whether drastic or not so drastic changes sa dokumento mismo, or sa proseso ng pagpuhan natin ng dokumento. Actually, habang tumatakbo pa lang yung second to the last hearing ng Senate Committee on Women, nagre-reflect na at sinasabi na ng mga ahensya tulad ng Philippine Statistics Authority na hihigpitan nila yung paano ang mga personnel nila hanggang sa mga local civil registrars mag-proseso ng mga application, halimbawa for late registration of live birth, na talagang ie-enforce nila na lahat ng mga supporting documents ay dapat mai-submit timely, hindi tulad halimbawa sa kaso ng ama ni Guo Hua Ping. Nag-file ng kanyang late registration of life birth, isa lang ang dokumentong sinubmit, late pa! So, di ba, ang daming irregularities dyan.

I remember even yung Philippine Retirement Authority, sinabi nila na dahil unang na-cite nung ina naman ni Guo Hua Ping, siya, nung minor pa siya, bilang dependent, na, from the get-go, lahat nitong mga ID or identification and document-issuing in agencies, ay dapat maingat na sinusunod ng lahat ng aplikante yung tamang proseso nila at, yun na nga, nagsasubmit ng requirements. And, sila, across agencies, dapat nagko-cross reference din o nagva-validate din, kung ang lahat ng mga nagpa-file ng Certificate of Late Registration of Live Birth, or itong Special Investors Resident Visa, hanggang sa Certificate of Candidacy sa Comelec, ay dapat, pare-parehong nagche-check out na, okay, legit yung taong yan na mamamayan ng Pilipinas, or, legit yung mga dokumentong iyan.

Q: Senator regarding po, though, of Guo Hua Ping, so, though she’s dismissed, do you think she should be allowed to run for election?

SRH: Never again. Nag-warning na rin ang Comelec, kaugnay niyan. And I mean, from the get-go, talagang tamang desisyon niyan na tanggalin siya sa pwesto niya bilang Mayor, and, may perpetual disqualification from running for office. Kasi, investigation pa lang namin sa hearings, kita na, yung pagsisinungaling niya, at saka paglabag niya sa mga kaso. So, kailangan managot siya, sa paglabag sa mga batas ng Pilipinas, and talagang, forever, dapat, klarong-klaro na.

Actually, mula nung sinabi ng NBI, 100% match, yung fingerprints ni Guo Hua Ping, dun sa Special Investors Resident Visa ng ina niya, at yung fingerprints ni Alice Guo sa Certificate of Candidacy sa Comelec, from that very moment, dapat dinismiss na siya. Kumbaga, wala siyang K na magsilbing government official at i-represent tayong mga Pilipino. Dahil siya mismo, hindi naman siya Filipino national.

Q: Senator Risa, pero hindi po ba natin maisasantabi yung possibility na baka may ibang POGO or POGO-like activities, like, there are some LGUs, like dito po sa Cebu, ah, nakikipagtulungan na pala ang PNP at LGU na baka may madiskubre silang POGO-like activities dito sa Cebu or even Cebu Province, hindi po ba natin maisasantabi yung ganung possibility lalo na nagpapatuloy yung investigation ng illegal POGO, Senator?

SRH: Well, gaya ng nabangit ko kanina, dahil in the course of the hearing, dumadami yung mga kababayan natin, pati netizens, nagsusumbong tungkol sa POGO sa iba’t iba pang mga LGU dito sa buong Pilipinas. Wala pang nakapagsambit sa akin tungkol sa Cebu, pero sa iba’t ibang bahagi, ng Pilipinas. And this was before yung ban na inanunsyo ni Presidente noong SONA nila. And I said then, and I say until now, at lalo na ngayon na may ban na nga, saan man sa Pilipinas may POGO, whether nagsimulang legal pa yan na may lisensya ng Pagcor, or from the very start nagsimulang illegal, saan man sa Pilipinas sila, kanino man sila reportedly affiliated, ngayon na may ban, kailangan patigilin na lahat yan, at paalisin dito sa Pilipinas.

Suspensyon ng transport modernization

Q: Senator, 22 senators signed Senate Resolution 1096 suspending the implementation of the transport modernization. Ikaw lang ang hindi nag-pirma. May I know your reason bakit hindi ka pumirma?

SRH: Actually, nahuli lang ako pumirma sa reso. Pero kinausap ko na si Chair Raffy, na sa period of interpellation and amendments, meron lang akong gustong i-raise ng mga tanong, at i-propose na amendments. Pipirmahan ko rin yung resolution para sa temporary suspension. Kasi gusto ko rin munang ipasok yung amyenda.

Una, na yung mga transport drivers and operators na sumunod na sa PUV modernization program ng gobyerno. Significant majority nila, more than 80%, no? Pumasok na sila sa programa, nag-apply na sila sa loan sa banko, simulan na nilang i-dismantle yung mga lumang jeepney nila. Huwag naman silang madehado, di ba? Kasi sumunod na sila eh, pumasok na sila at nagsimula na silang mag-comply.

Pangalawa, yung gusto kong ipasok na amyenda ay na mapabuti din yung riding experience, mas active transport sana para sa mga pasahero naman natin. So, ipu-put on record ko yun, ipo-propose ko yung amendments, hopeful ako na tatanggapin ni Chair Raffy. Pipirmahan ko rin naman yung resolution ko yun, basta may ganung mga improvements.

Q: Pero ayaw niya na yung President BBM.

SRH: So, nabasa ko na nga yung kanyang sinabi na after all, pitong beses nang pinostpone dati. So I suppose, kung magkaka-meeting of the minds, pagkita namin sa legislature at sa kanila sa executive, ay pwede nang ituloy yan with further improvements, lalo na sa panig nung mga drivers at operators na mga 83% na nga ay pumasok na at yung mga pasahero. Itong 83% na nagko-consolidate na bila mga transport coop. At yun na nga, dini-dismantle na yung mga lumang jeep nila at nagka-utang na para lang yung mag-apply sa programa.

Usapang divorce bill

Q: Senator, what’s the future of divorce bill sa Senate po?

SRH: Oh, I’m preparing na mag-deliver ng privilege speech tungkol sa dissolution of marriage bill in hopes na tumuloy yung parliamentary process niyan. Handa na yung committee report for several months na. So para sana, ma-sponsor ko na in plenary, ma-interpellate siya, at ma-proposan ng mga amendments para, puhon, maisabatas namin yan. Mabigyan ng second chance at love and life yung mga kababayan na kailangan yun. Hindi naman siya para sa lahat eh. So kung masaya sa buhay mag-asawa, wonderful. Talagang gawing for life na yan, no? Pero para sa mga kababayan natin na yung kasal nila hindi na naging yung kasal na ideal ng ating lipunan, ni hindi na ideal ng ating ibang-ibang mga relihiyon at faith communities, at least, ayun, meron silang second chance.

Q: Do you think po ba, maapektuhan po ba ito, yung upcoming elections, yung decision natin mga colleagues sa Senate, especially iba, pinoprotektahan nila yung votes nila from the conservative ones?

SRH: Well, bawat boto naman natin mga legislators, we take into account, different considerations, matter of timing din para sa iba. Ang akin lang naman, I’m just hoping for yung regular parliamentary process, fighting chance lang. Sapat na sa akin yung sinabi ni SP (Senate President) Chiz (Escudero) noon na bagamat siya mismo, hindi para sa bill, pero hindi niya hahadlangan. Bibigyang-daan niya ang conscience vote sa Senate tulad ng nangyari sa House. Nung kwinento ko yun sa mga Divorce or Dissolution of Marriage Bill advocates, okay na sa kanila. At least fair chance sa bill tulad sa lahat ng iba pang mga bills.

Tungkol kay Harry Roque

Q: Senator, going back sa investigation sa POGO. Ano pa ang ma-expect natin sa hearing, ma’am. Ano pa ba ang dapat asahan ang mga tao kung the role of Harry Roque is there already. May maasahan pa ba tayo na mas mataas na tao pa?

SRH: Magandang tanong yan. Siguro a few more hearings, maybe two or three para lang isara na itong apat na taon na imbestigasyon namin laban sa POGO. Simula sa POGO-related prostitution hanggang umabot dito sa fourth stage na POGO-related human trafficking cyber scamming, money laundering posibleng espionage at itong pagkasangkapan Sa Filipino citizenship natin, akala mo commodity sa negosyo.

At yan na nga lumitaw ang personahe ni Atty. Harry Roque na hindi lang simpleng Chinese national ang nahanap doon sa kinikilalang bahay niya sa Benguet. Wanted, bigating, pugante ito. Kalahating milyong tao na ang naloko. So sa kadami-dami ng mga bahay sa Pilipinas, doon pa talaga sa bahay niya nagtago. I mean, diba?

Q: Di niya raw bahay yun, ma’am.

SRH: Ay, nako po. Inamin niya na ang may-ari ng bahay ay isang PH2 na ang majority shareholder ay isang Biancham Holdings Company na ang mga incorporators at shareholders ay siya rin at kapamilya niya at dati niyang colleagues. So you can make your own reasonable conclusions. So hindi lang pangalan niya ang lumitaw. Pati mga personahe na dati nang lumitaw sa nabitin lang naming imbestigasyon dati sa Pharmally.

Kaya excited kami unang-una sa malaking tagumpay ng mamamayan doon sa pag-ban sa POGO. At excited pa rin kami papunta doon sa pagsara na sa aming apat na taong imbestigasyon. Kung kaya ba naming kumpletuhin dito sa POGO investigation yung nabitin lang naming kumpletuhin sa Pharmally investigation. Mula doon sa Michael Yang noon, kapatid ni Michael Yang ngayon. Aabot pa ba ito kay Michael Yang ulit? At mula kay Michael Yang, doon sa Presidente na dati siyang economic advisor. And of course yung pag-aresto kay Guo Hua Ping. Yun ang hinihintay pa. So a few more hearings na lang, then sasara na po namin.

Q: Senator, one last point lang for the POGOs issue. Ah, dahil po ba sa issue pong ito, marami na po ba tayo mga death threats? Dahil ah, masasabi natin isa itong malaking ah dito po sa Pilipinas. Hindi masasabi natin kung anong politiko nag-back up po. Mayroon po bang mga death threats?

SRH: May mga information ng mga concerned persons. Actually, even more a few years ago. Noong simulan namin imbestigahan yung mga POGO na mayroong mga grupo o mga sindikato na hindi masaya sa imbestigasyon. Pero kami naman ay nagiging maingat, Hindi bara-bara.

And ang laki ng tulong ng Senate Office of the Sergeant-at-Arms na ngayon ay inamyendahan pa nga namin yung Rules of the Senate para mas i-mandate sila na bantayan yung security pati naming mga senador sa loob at sa labas ng Senado.

So, ako naman at yung office ko, yung team ko, yung komite namin ay nagpapatuloy sa aming trabaho dahil ito ay trabaho namin. And salamat sa malaking tulong sa nakaraang mga taon ng mga victim-survivors, mga whistleblowers, mga government agencies na dahan-dahan na dadagdagan, tumutulong talaga sa komite namin. At yung mga mamamayan na grabe ang interes at suporta dito sa investigation labas sa POGO. Salamat sa kanilang lahat mayroon na tayong nakamit na isang malaking tagumpay na napa-ban ang POGO dito sa ating bansa.

Tungkol sa NEDA standard

Q: Senator, regarding po sa NEDA. Nakakabahala po ba ganun kababa yung standard na inilabas nila?

SRH: Of course. Kaya talagang itinanong namin yan doon sa DBCC briefing na taon-taon simula ng aming budget debates. Kasi, tayo ba? Halos kaya ba natin kumain ng isang meal mag-isa natin na P64? Ano pa kaya limang tao, three meals a day? So talagang naman, maging mas realistic naman tayo sa kung ano talaga ang minimum na kailangan ng bawat Pilipino para kumain nang malusog, mabuhay nang makatao para din itaas naman naming lahat na nagtatrabaho sa gobyerno yung targets namin in terms of nutrition, food security, poverty alleviation, ni hindi pa nga natin pinag-uusapan yung wealth redistribution, di ba? Mga minimum pa lang. Ayusin naman natin yung ating baseline data para maging maayos din yung ating mga bububuing mga programa, activities, proyekto na taon-taon kami naman sa Kongreso ay kailangan naming budgetan.

Q: Sa tingin nyo po Senator, nakaka-insulto yung ganoon kababa?

SRH: Siyempre, nakaka-insulto sa marami at higit sa lahat, nakakalungkot. Kasi kung gano’n lang yung akala nating kailangan, so gano’n din lang ang aambisyunin natin bilang isang bansa at ng ating gobyerno. Eh saan na tayong pupulutin noon?

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -