26.5 C
Manila
Miyerkules, Setyembre 18, 2024

Villar, kinilala ang ‘guardians of safety’

- Advertisement -
- Advertisement -

SA ika- 33 taong anibersaryo ng Bureau of Fire Protection – National Capital Region (BFP- NCR), itinampok ni Sen. Cynthia Villar ang matatapang na kalalakihan at kababaihan ng BFP-NCR dahil sa kanilang walang katumbas na serbisyo at mahalagang ginagampanan sa kaligtasan ng buhay at ari-arian kapag may sunog at kalamidad.

Sa loob ng 33 taon, inihayag ni Villar na nananatiling nakatayo ang BFP-NCR bilang ‘guardian of fire safety and disaster response’ sa Metro Manila- isa sa pinakamasikip na rehiyon ng bansa.

“Despite numerous challenges, your achievements in fire safety and prevention are remarkable. From the numerous fires you have successfully extinguished to the proactive measures you have implemented to prevent such incidents, the BFP-NCR continuously strives to deliver efficient and reliable service,”ani Villar na Guest Speaker sa anniversary celebration ng BFP-NCR.

“Because of your dedication, the residents of Metro Manila sleep more soundly at night, knowing they are safeguarded by firefighters who are always ready to respond, no matter what the hour or the risks involved,” dagdag pa niya.

Binigyan diin din niya na sa panahon ng kalamidad, lumalagpas sa ‘fire response at protection’ ang papel ng isang fire figther.

Aniya, mahalaga ang tulong ng BFP-NCR sa mas malawak na sakop ng disaster response at management.

“You have actively participated in in rescue operations, relief efforts, and community rebuilding. Your actions during calamities–whether typhoons, flooding, or other emergencies–have been truly inspiring.”

Sinabi ng senador na noong September 2021, naisabatas ang BFP Modernization Act o Republic Act No. 11589.

Layon nitong mapalakas ang kapasidad ng BFP personnel upang matugunan ang fire emergencies at imbestigahan ang fire-related incidents.

Nasa batas na bibigyan ang BFP ng bago at state-of-the-art equipment ar pasilidad para sa fire prevention, suppression, investigation at emergency medical at rescue services . Palalakasin nito ang serbisyo ng BFP.

Sanhi nito,kumpiyansa si Villar na nakahanda sa pagpasok sa new era ng paglingkod para makamit ang anumang hamon ng BFP-NCR.

“The modernization program will ensure that the efficiency that has defined your service for the past three decades will be further enhanced and will enable you to continue protecting lives and properties at an even higher standard,” pahayag pa niya.

Ayon sa senador, dahil ang fire prevention ay isa sa kanilang mga adhikain, malapit ang BFP sa kanilang puso pati na sa kanyang mga anak na sina Sen. Mark at Deputy Speaker Camille Villar, at ang kanyang pamangking si Carlo Aguilar.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -