30.2 C
Manila
Linggo, Setyembre 15, 2024

Mga bayaning manlalaro na lumahok sa Paris Olympics kinilala sa Senado

- Advertisement -
- Advertisement -
MASAYANG sinalubong ni Senador Bong Go sa Senado ang mga bayaning manlalaro na lumahok sa Paris Olympics.
Jam-packed ang Senado nitong araw ng Lunes, August 19. Kasama ng mga kapwa mambabatas, nakiisa si Sen Go sa pagkilala at pagbibigay-pugay sa ating mga Olympians na nagsakripisyo at nagpamalas ng kanilang dedikasyon sa pagwawagayway ng bandila ng Pilipinas sa naganap na 2024 Paris Olympics.
Pagdating ng mga atleta ay personal itong sinalubong ng Chairperson ng Senate Committee on Health na si Senator Bong Go, kasama ang Vice Chairperson na si Senator Pia Cayetano.
Ginawaran naman ng Senado ng P3 Million at Medal of Excellence si two-time gold medalist Carlos Yulo. Habang nakatanggap naman ng P1 million each at Medal of Excellence ang ating mga bronze medalists na sina Nesthy Petecio at Aira Villegas.
Apat na resolution din ang isinulong sa plenary session na kumikilala sa tagumpay nina Carlos, Nesthy, at Aira, ang buong Philippine team, Philippine Olympic Committee, at Philippine Sports Commission. Kung maaalala, sinimulan itong isumite ni Senator Bong Go noong August 5. Aniya, patunay na walang katumbas ang pagsusumikap at dedikasyon ng ating mga atleta sa napili nilang larangan ng sports.
Ang pagkilala at parangal ng Senado ay nagsisilbing pasasalamat ng gobyerno at ng buong bansa sa ating mga minamahal na atleta.
Sa ating mga kabataan, palaging paalala ni Senator Kuya Bong Go sa inyo na maging inspirasyon sana ang tagumpay ng ating mga atleta to get into sports, stay away from drugs to keep us healthy and fit.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -