IMINUNGKAHI ni Senator Miguel Migz Zubiri na gawing center of commerce ng norte ang Bataan.
Aniya, “Sa pinamunuan nating Committee on Economic Affairs hearing, tinalakay natin ang dalawang panukalang maghahatid ng mas matulin na pag-unlad sa Bataan: ang Special Defense Economic Zone Act na magtatayo ng defense ecozone sa Limay, Bataan, at ang mga amendments sa Freeport Area of Bataan Act.
“Napakahalaga ng mga batas na ito para makuha natin ang interes at commitment ng mas marami pang mga foreign investors na pumasok sa Bataan—at kasama nito, mas maraming trabaho para sa ating mga kababayan.
”Nagpapasalamat tayo kina Sen. Nancy Binay, Bataan Second District Rep. Abet Garcia, at sa lahat ng stakeholders na nakasama natin sa hearing.
“Patuloy nating pag-aaralan kung paano pa natin mapapaganda ang mga panukalang ito sa susunod nating meeting.”