NANAWAGAN si Senator Risa Hontiveros nitong Martes, Agosto 20, 2024, sa Department of Foreign Affairs (DFA) para kaselahin ang Philippine passport ni Alice Guo kasunod ng rebelasyon na ang dating Bamban mayor ay lumabas na ng bansa.
Sabi ni Hontiveros, “Ang kapal din talaga ng mukha ng pekeng Pilipino na ito. Ginamit pa ang pasaporte ng Pilipinas para tumakas. Her passport should be made null and void immediately.”
Dagdag pa ni Hontiveros, “Para sa kampo ni Alice Guo, ang masasabi ko lang, wag kayong umasta na para kayong may VIP access sa immigration.
”Yung mismong mga Pilipinong may birth certificate, kumpleto ang papeles, at malinis ang record, hirap na hirap sa mga checkpoint dyan sa Immigration. Samantalang silang hindi na nga Pilipino at nasa Lookout Bulletin pa, akala mo kung sinong maka-asta.
”The Senate was simply doing its lawful job when it issued the arrest order.
Agencies like the Bureau of Immigration are then expected to assist in the execution of the Senate of its constitutional mandate.
“Kumpirmado ng impormasyong isiniwalat ko na mula sa NBI na nakaalis na ng Pilipinas si Alice Guo. Kumpirmado rin yan ng BI.
”Our agencies should work together better.”