MASAYANG ibinalita ni Vice President Sara Duterte ang kanyang pagdalo sa Dula Kadayawan na Bahagi ng pagdiriwang ng Ika-39 na Kadayawan Festival sa Davao City.

Kuwento niya sa kanyang Facebook page, โNakibahagi po tayo sa pagdiriwang ng 39th Kadayawan Festival sa Lungsod ng Davao noong nakaraang Linggo.
โMasaya ako na nasaksihan ang Dula Kadayawan kung saan nagkipagtagisan ng liksi ang labing-isang tribo ng Davao City.
โMalaki ang ambag ng ibaโt ibang tribo sa kasaysayan, kultura, sining, kaugalian at tradisyon ng ating lungsod at ito ang isa sa mga ipinagdiriwang ng Kadayawan Festival – ang pagpapasalamat sa lahat ng biyaya at ang pagdiriwang ng pagkakaisa sa gitna na pagkakaiba-iba.
โDako akong kalipay ug garbo nga makauban namo kamo sa pagsaulog sa 39th Kadayawan Festival dinhi sa dakbayan sa Davao.
โHappy Kadayawan Festival mga kaigsuonan kong Dabawenyo.โ