30.2 C
Manila
Linggo, Setyembre 15, 2024

‘Major disaster’ sa Mimaropa tinugunan ng OCD; halaga ng tulong umabot sa P84M

- Advertisement -
- Advertisement -

UMABOT sa higit P84 milyon ang halaga ng tulong na naibigay ng Office of Civil Defense (OCD) para sa mga malalaking kalamidad at sakuna na nangyari sa rehiyon ng Mimaropa.

Sa Kapihan sa Bagong Pilipinas, iniulat ni Marc Rembrandt Victore, officer in charge ng Disaster Risk Reduction and Management Division (DRRMD)-OCD Mimaropa, na pumalo sa P84,298,558.69 ang kabuuang halaga na ipinagkaloob ng kanilang tanggapan sa mga probinsya sa rehiyon na tinamaan ng iba’t ibang sakuna.

Isa sa mga hindi malilimutang trahedya na tinugunan ng OCD Mimaropa ay ang oil spill disaster na nangyari matapos lumubog ang MT Princess Empress umaga noong Pebrero 28, 2023 sa karagatang sakop ng Naujan, Oriental Mindoro na nagdulot ng malaking epekto sa yamang dagat at kabuhayan ng mga mamamayang malapit sa lugar kaya nagkaloob ang ahensya ng relief assistance na may halagang P39,036,576.17.6

Ilan pa sa mga “major disaster” na tinugunan ng tanggapan ay ang southwest monsoon na pinalakas ng Bagyong Egay noong Hulyo 2023 kung saan ay nasa P1,759,664.44 ang cost of assistance na ipinagkaloob ng ahensya na sinundan ng Bagyong Goring noong Agosto 2023. Nagbigay naman dito ang tanggapan ng tulong na may halagang P919,009.80.

Sa bahagi ng sektor ng agrikultura ay nagkaloob din ang OCD Mimaropa ng halagang P19,931,339.95 sa mga magsasakang naapektuhan ng El Niño phenomenon mula 2023 hanggang sa kasalukuyang taon gayundin sa mga napinsala ng African Swine Fever kung saan ay naglaan naman dito ng halagang P20,476,203.33.

Nagbigay din ang OCD ng relief assistance na may halagang P2,175,765 sa mga naapektuhan ng Bagyong Butchoy at Carina noong nakaraang Hulyo 2024. (RAMJR/PIA MIMAROPA – Marinduque)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -