BILANG bahagi ng kanilang patuloy na pagsisikap na palakasin ang mga kababaihan sa buong bansa, muling umikot sa National Capital Region (NCR) ang mga tanggapan nina Senator Alan Peter at Pia Cayetano upang mag-abot ng tulong sa Batasan Hills, Quezon City noong August 19, 2024 at sa Navotas City nitong August 20, 2024.
Sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program at sa tulong ni former Congresswoman Carol Lopez ng Lunas Partylist, nagdala ang magkapatid na senador ng tulong sa 850 kababaihan mula sa mga marginalized communities. Kabilang sa kanila si Emelita Sereno, na nagpasalamat sa kanyang natanggap. “Maraming salamat po sa ibinigay niyo para sa aming mga kababaihan. May maiuuwi po kami para sa aming mga pamilya,” wika niya. Ang mga aktibidad ng ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng magkapatid na Cayetano na magdala ng tulong sa mga nangangailangang Pilipino sa buong bansa.