SA pagbubukas ng sesyon nitong Miyerkules, Agosto 21, 2024, pinangunahan ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa sa isang taimtim na dasal ang Senado kung saan ipinanalangin ng mambabatas ang paggabay sa mga pinuno ng bayan upang makapaglingkod ng patas, may malasakit at may pagpapakumbaba sa ating mga mamamayan.
Ipinagpatuloy naman sa sesyon ang pagtalakay sa SBN 2474 o PNP Forensic DNA Database Act na dinepensahan ni Sen. Bato kung saan ay pinag-usapan ang kahalagahan ng DNA bilang ebidensya sa paglutas ng mga kriminal na kaso, gayundin kung paanong matitiyak ang seguridad ng DNA profiles na idedeposito sa nasabing database.