26.5 C
Manila
Miyerkules, Setyembre 18, 2024

Magkapatid na Cayetano, nagdala ng pag-asa at oportunidad sa libu-libong Cebuano

- Advertisement -
- Advertisement -

TINULUNGAN nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano na iangat ang buhay ng libu-libong Cebuano nang magdala ang kanilang tanggapan ng pag-asa at pagkakataon sa lalawigan noong nakaraang linggo.

Mula August 21 hanggang 23, umabot sa 3,332 residente sa buong lalawigan ng Cebu ang nakatanggap ng mahalagang tulong mula sa mga Cayetano, sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program at Sustainable Livelihood Program (SLP).

Sa ilalim ng AICS program, hindi bababa sa 2,582 Cebuano ang nabigyan ng mahalagang tulong pangkabuhayan sa mga lungsod ng Danao, Cebu, at munisipalidad ng Cordova.

Ang programa ng AICS ay nag-aalok ng iba’t ibang anyo ng suporta, kabilang ang medikal, pang libing, transportasyon, edukasyon, pagkain, o tulong pinansyal sa mga indibidwal o pamilyang nangangailangan.

Sa Danao City, 1,000 mangingisda at magsasaka ang tumanggap ng malaking tulong sa kanilang kabuhayan sa pakikipagtulungan ni Danao City Mayor Thomas “Mix” Durano.

Sa Cebu City, 1,082 indibidwal na nanggaling sa Cebu City, Naga City, at San Remigio ang ang nabigyan ng tulong ng Emergency Response Program ng mga Cayetano, kabilang ang 82 na nasunugan para tumulong sa pag-recover.

Ang mga ito ay naging posible sa tulong nina Cebu City South Representative Eduardo “Edu” Rama Jr. at Philippine Council of Evangelical Churches (PCEC) Bishop Noel Centino.

Sa Cordova, 500 may-ari ng maliliit na negosyo ang nabigyan ng tulong sa kanilang kita. Nagawa ito sa pakikipagtulungan ni Cordoba Mayor Cesar “Didoy” Suan.

Samantala sa ilalim ng SLP, 750 pang Cebuano ang nakinabang sa programa sa mga munisipalidad ng Alegria, Bornon, Sta. Fe, at Lapu-Lapu City.

Ang SLP ay naglalayon na tulungan ang mga mahihirap, mahina, at marginalized na mga pamilya at indibidwal sa pamamagitan ng mga aktibidad sa kabuhayan upang makatulong na mapabuti ang kanilang sitwasyon.

Ang 750 beneficiaries ng SLP ay kabilang sa pinakamahihirap na residente ng lalawigan na nakatanggap ng malaking tulong dahil rin sa pagsisikap nina Alegria Mayor Gilberto Magallon, Borbon Vice Mayor Roy Melgo, Sta. Fe Mayor Ithamar Espinosa, at Lapu-Lapu City Lone District Representative Ma. Cynthia “Cindi” King Chan.

Isinasagawa ito ng mga Cayetano upang bigyang-diin ang kanilang pangako na tumulong sa pagbuo ng mga komunidad at pag-aambag sa pambansang pagbabago

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -