IPINRESENTA kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga commemorative coin para sa ika-75 taon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ang 750-piso silver coin at ang 7,500-piso gold coin na ipinresenta ni BSP Governor Eli M. Remolona, Jr. ay sumisimbolo sa kasaysayan at patuloy na pag-unlad ng central banking sa bansa.