30.2 C
Manila
Linggo, Setyembre 15, 2024

Legarda, isinusulong ang mas mas maayos na internet connectivity sa bansa

- Advertisement -
- Advertisement -

ITINUTULAK ni Senador Loren Legarda ang pagsasabatas ng Senate Bill No. 2699, o ang panukalang Konektadong Pinoy Act.

“Sa kasalukuyan, ang koneksyon ay hindi na isang luho ngunit isang pangangailangan. Ang pamumuhunan sa maayos na data transmission services ay mahalaga sa pag-unlad ng bansa.” pahayag ni Legarda.

“Nais nating i-democratize ang digital marketplace sa pamamagitan ng pagtataguyod ng isang technology-neutral policy framework para sa lahat ng mga service provider.

Kapag naisabatas na ang panukala, mabibigyan nito ang publiko ng malawakang internet connection. Layon din nito na maibaba ang presyo ng internet at mapalawak pa ang access high-quality internet services ng bawat Pilipino.

Si Legarda ang nagsilbing pangunahing may-akda ng Republic Act No. 10844, na nagtatag sa Department of Information and Communications Technology (DICT).

“Palagi kong itinutulak ang mga hakbangin para mapabuti ang ating ICT infrastructure at services. Sa aming lalawigan ng Antique, sinuportahan natin ang ‘Broadband ng Masa’ Project (BBMP), sa pakikipagtulungan sa DICT, at nakapagkabit tayo ng 450 Wi-Fi sites sa 150 barangay,” wika ni Legarda.

“Ang inisyatibang ito ay isang mahalagang hakbang sa pag-equip sa ating mga komunidad at bilang solusyon sa digital gap,” dagdag pa niya.

“Importanteng mabigyang natin ng prayoridad ang digital inclusivity sa panahon ngayon, habang kinikilala natin ang kahalagahan ng mga innovations sa pag-unlad ng ating bansa.”

Lahat ng 18 bayan sa Antique, na probinsya ni Legarda, ay konektado sa internet sa pamamagitan ng satellite na Starlink, dahil sa inisyatiba at personal na tulong.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -