26.5 C
Manila
Miyerkules, Setyembre 18, 2024

VP Sara namahagi ng PagbaBAGo bags sa North Caloocan

- Advertisement -
- Advertisement -
NAMAHAGI ng PagbaBAGo bags si Vice President Sara Duterte sa mga estudyante ng Maahad Norol Yaqeen Litahfidil Qur’an sa Santrans Road, Brgy 186-Tala North Caloocan nitong Agosto 30, 2024.
Kuwento niya sa kanyang Facebook page na Inday Sara Duterte, “Pinangunahan natin ang Nationwide Simultaneous PagbaBAGo Bags Distribution ng Office of the Vice President (OVP) noong ika-30 ng Agosto sa isang Madrasah School sa Caloocan City.
Pinaalalahan ko ang mga kabataang mag-aaral na mag-aral ng mabuti upang sila ay makapagtapos at magkaroon ng magandang kinabukasan.
”Salamat sa pagkakataon na ibinigay ninyo sa akin na makasama kayo, makausap at makapagpasalamat sa suporta at tulong na ibinibigay ninyo sa akin at sa Office of the President.
”Kasabay ng pamamahagi natin dito, ang pamamahagi rin ng PagbaBAGo bags sa iba’t ibang bahagi ng bansa na pinangunahan ng ating sampung Satellite Offices. Ang ating PagbaBAGo bags ay naglalaman ng school supplies, raincoats, at dental kits.
Kasama sa mga binigyan ng mga bags ang mga Madrasah Schools, Last Mile Schools at indigent communities upang isulong ang inclusivity sa pagbibigay serbisyo ng ating opisina.
”Maraming salamat sa bumubuo ng National Commission on Muslim Filipinos-NCR at sa ating mga kaibigang Muslim sa Tala North Caloocan.“
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -