NAKIPAGPULONG si Department of Budget and Management Secretary Amenah Pagdanganan sa Samahan ng mga Pilipina para sa Reporma at Kaunlaran – Philippines (Spark Philippines), sa pangunguna ng Executive Director nito na si Mikaela Luisa Carmen Teves, ngayong ika-9 ng Setyembre 2024.
Tinalakay sa pulong ang posibleng pagtutulungan ng DBM at SApark PH para isulong ang financial literacy para sa mga kababaihan.
Bilang tagapagsulong ng women empowerment sa bansa, tiniyak ni Secretary Mina na gagawin ng DBM ang makakaya nito upang suportahan ang Spark PH sa kanilang adbokasiya na tulungan ang mga kababaihan at linangin ang kanilang mga kakahayahan.
Naimbitahan din si Sec Mina at ang ahensya na makibahagi sa selebrasyon ng International Day of the Girl Child sa darating na Oktubre, na magiliw namang tinanggap ng Budget Secretary.
Hinikayat din ni Sec. Mina ang pagkakaroon ng Mindanao representation sa nasabing selebrasyon, na kadalasang nilalahukan ng mga high school student mula sa Metro Manila.
Kasama ni Sec. Mina sa pulong sina Usec Goddes Hope Libiran at Assistant Secretary Atty. Diana Camacho-Mercado. Mula sa Facebook page ng Usapang Budget Natin