MASAYANG ibinalita ni Senator Juan Miguel “Migz” Zubiri na isa siya sa sponsor na gawing National Polytechnic University mula sa Polytechnic University of the Philippines. Ito ang pahayag ni Sen Zubiri sa kanyang Facebook page.
Good news, PUP!
Na-sponsor na po natin sa Senado ang Revised Charter ng Philippine Polytechnic University, para gawin itong National Polytechnic University ng bansa.
Well deserved po ito, dahil matagal nang nangunguna ang PUP sa larangan ng edukasyon. Dahil sa sipag, talino, at kakayahan ng PUP grads, napakalaki ng tiwala ng employers sa kanila, at palaging top choice ng employers ang PUP graduates.
With this bill, mapapalawak pa natin ang mandato at responsibilidad ng PUP bilang ating pangunahing polytechnic university, at umaasa tayo na mas marami pang mag-aaral na Pilipino ang makakatanggap ng natatanging PUP education.
Mabuhay po ang PUP!
#TrabahadorNgSenado
#TrabahadorNyoSaSenado
#MigzZubiri
#PUP