31.2 C
Manila
Huwebes, Nobyembre 14, 2024

PBBM pinangunahan ang pagbibigay ng P43 M sa mga biktima ng oil spill crisis sa Navotas City

- Advertisement -
- Advertisement -

PINANGUNANAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paghahatid ng suporta mula sa pamahalaan sa gitna ng oil spill crisis na idinulot ng paglubog ng MTKR Terranova.

Sa distribusyon ng presidential assistance sa Sipac-Almacan, Navotas City, ibinahagi ni PBBM na nasa 1.38 milyong litro ng langis ang nakolekta mula sa lumubog na barko. Dagdag pa ng Pangulo, ligtas nang ihain ang pagkaing-dagat mula sa lungsod.

Suportang pangkabuhayan at higit P43 milyong halaga ng tulong pinansyal ang handog ng pamahalaan sa mga pamilyang apektado ng oil spill dulot ng paglubog ng MTKR Terranova.

Samantala, pinuri ni Navotas Congressman Toby Tiangco ang mabilis na pagkilos at pagtulong ni Pangulong Marcos sa mga nasalanta ng bagyong Carina sa Navotas

Sa pamamahagi ng presidential assistance sa Navotas City, inihayag ni Congressman Tobias Tiangco ang personal na pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Navotas upang suriin ang pagbahang dala ng Bagyong Carina.

Ibinahagi rin ni Congressman Tiangco ang mabilis na pagtugon ng Pangulo upang maisaayos ang navigational gate sa lungsod.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -