27.5 C
Manila
Sabado, Oktubre 5, 2024

2024 Stakeholders’ Forum ginanap para paigting ang external partnerships ngDepEd

- Advertisement -
- Advertisement -
PARA paigtingin ang external partnerships ng ahensiya, nakipagpulong ang mga opisyal ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) sa 65 education partners sa ginanap na 2024 Stakeholders’ Forum nitong Setyembre 12, 2024, sa Bulwagan ng Karunungan, DepEd Central Office.
Kasama sa mga tinalakay sa nasabing forum ang pagpapaunlad ng Senior High School (SHS) Work Immersion program, at ang paghahanda ng DepEd sa Program for International Student Assessment (PISA).
Pinag-usapan din sa programa ang mga professional development programs at career enhancement systems para sa teachers at kung paano makatutulong ang external partners dito, at ang mga magiging suporta sa mga programa ng ahensiya para sa learners at iba pang education stakeholders.
Nagkaroon din ng Open Forum ang programa kung saan binigyang linaw ng DepEd ang iba-ibang concerns ng private sector patungkol sa SHS Work Immersion program ng ahensiya.
Pinangunahan ni Undersecretary and Chief of Staff Atty. Fatima Lipp Panontongan, Assistant Secretary Cilette Liboro Co at Ciela Mendoza ng Office of the Secretary, Usec. Gina Gonong, Asec. Janir Datukan, Asec. Alma Ruby Torio at Dir. Samuel Soliven Curriculum and Teaching Stand, Asec. Malcolm Garma ng Operations Strand at Dir. Leah Apao mula sa NEAP ang DepEd sa Stakeholders’ Forum.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -