ANO ang bilateral loans? Ano ang kaibahan nila sa multilateral loans? Ano ang papel nila sa pag-unlad ng mga bansang kasama sa mga emerging economies na gaya ng Pilipinas?
Ang multilateral loans ay ibinibigay ng multilateral financial institutions (MFIs) sa mga bansa para maipatayo ang mga proyektong kailangan nila para sa development. Ang multilateral ay may prefix na “multi” na ang ibig sabihin ay marami. Marami ang mga bansang miyembro nito na nag-ambag ng pera para itayo ang MFI. Sa kabilang dako, ang bilateral loans ay nanggagaling sa isang bansa lamang. Iisang bansa lamang ang may-ari nito ngunit nagpapautang sa mga ibang bansa. Ang mga bilateral financial institutions (BFI) ay nagbibigay ng pautang para matustusan ang mga gastusin ng mga bansang bagong ahon sa kahirapan o ang mga tinatawag na emerging economies.
Sa Japan, ang tawag dito ay Japan International Cooperation Agency (JICA). Sa China, ito ay ang The Export-Import Bank of China (China Exim). Sa Korea, ito ay ang Korea Export-Import Bank. Ngunit may mga bansa gaya ng Singapore na walang itinayong hiwalay na institusyon na nagpo-process ng development loan. Samakatwid, isang sangay sa kanilang pamahalaan ang gumagawa nito.
Noong Marso 2024, ang bilateral loans ng Pilipinas ay umabot sa $15.9 bilyon, 12.3% ng total external debt ng Pilipinas. Ang pinakamalaking bahagi nito ay galing sa Japan ($8.2 bilyon), China ($2.5 bilyon), Singapore ($2.5 bilyon), France ($1.0 bilyon), Korea ($785 milyon), Taiwan ($694 milyon), at Netherlands ($678 milyon). May mga maliliit na halaga na galing sa pitong bansa gaya ng Hong Kong, Germany, USA, India, Spain, Belgium at Brazil.
Iba’t iba ang mga proyektong binibigyan ng mga BFI ng pautang. Ang JICA ay naka-focus sa infrastructure at karaniwan ay may cofinancing arrangement kasama ang Asian Development Bank (ADB). Ang ibig sabihin ng cofinancing ay nagtutulong ang mga BFI at MFI para dagdagan ang halagang kailangan lalo na kung malaki ang pangangailangan ng proyekto. Ang mga pinakamalaking proyekto ng JBIC ay ang North-South Commuter Railway (P 873.6 bilyon), Metro Manila Subway (P 488.5 bilyon), Light Rail Transit Line 1 Cavite Extension (P 64.9 bilyon), at Metro Rail Transit Line 3 Rehabilitation ($130 milyon). Sa unang proyekto, ang North-South Commuter Railway, may cofinancing ang Asian Development Bank (ADB) na $4.25 bilyon para sa South portion ng proyekto.
Ang China Eximbank naman ang nagpautang para sa Kaliwa Dam (P12.2 bilyon) para para mapunan ang kakulangan ng tubig sa Metro Manila, Chico River Pump Irrigation Project para sa irrigation ng 8,700 ektarya ng rice farms sa Cagayan at Kalinga (P2.7 bilyon), at Binondo-Intramuros Bridge para mabawasan ang trapik sa Manila (P3.6 bilyon).
Sa kaso ng France, ang mga proyekto nila ay naka-focus sa sustainable at inclusive growth, enhancing livelihoods at natural resource management. Karamihan sa mga proyekto ay nakatuon sa climate change mitigation at adaptation actions sa lahat ng sector. Ang ibang proyekto ay nakatuon sa renewable energy, energy efficiency, public transport, disaster risk management in urban areas, water resources management, adaptive agriculture at forestry, at kalusugan .
Ang mga bilateral loans ay may mahabang maturities at grace periods, mababang interest rate at maraming grants. Kumpara sa interest rate ng RP Bonds na commercial ang terms (nasa gitna ng 4.4% to 5.2% noong Agosto 2024), ang terms ng JBIC loans ay 1.05% (kapag fixed rate) o TORF+70 bps kapag floating; 1.5% sa CEXIM, at 3.6% naman sa AFD. May repayment period na 30 years at 10 years grace period sa JBIC, 20 years ang maturity at 7 years grace period sa CEXIM loan at 20 years maturity at 5 years grace period sa AFD. May kasamang grant ang CEXIM loans gaya ng Binondo-Intramuros Bridge na hindi kailangang bayaran.
Ang TORF (Tokyo Term Risk Free Rate) ay ginagamit kapag floating ang ginamit na JBIC rate. Dating LIBOR (London Interbank Offered Rate) ito ngunit pinalitan ito nang magkaroon ng kasong legal ang pagko-compute nito. Ang ibig sabihin ng floating ay pinapalitan ang interest rate bawat anim na buwan. Ang TORF ay base sa transaction rate of Overnight Index Swap (OIS) transactions sa Japanese yen. Ina-average ang 1-month, 3-month and 6-month Japanese Yen OIS transaction rates na inire-report ng mga brokers sa Quick Benchmarks, Inc. (QBS) na naaayon sa probisyon ng Code of Conduct.
Halos lahat ng bilateral loans ay tied loans. Ang ibig sabihin nito ay ginagamit ang loan sa pagbili ng mga produkto at serbisyo ng bansang nagbigay ng loan. Ang exception ay ang JBIC loans na hindi tied; maaari kang bumili sa bansang pumasa sa iyong mga requirements. Para mabawasan ang cost ng tied loan, ikinokompara ng Pilipinas ang halaga ng proyekto kapag galing ang halaga sa badyet at kapag ibang MFI o BFI ang mag-finance nito. Kino-compute ang EIRR ng iba’t ibang disenyo at pinanggagalingan ng financing bago magdesisyon ang pamahalaan kung aling financing source ang gagamitin.
Table 1. BILATERAL LOANS
As of end-March 2024 |
GRAND | ||
TOTAL | SHORT-TERM | LONG-TERM | |
15,881 | 1,302 | 14,579 | |
1. Japan | 8,235 | 8,235 | |
2. China | 2,514 | 127 | 2,387 |
3. Singapore | 1,306 | 769 | 537 |
4. France | 1,013 | 1,013 | |
5. Korea, Republic of | 785 | 45 | 740 |
6. Taiwan | 694 | 359 | 336 |
7. Netherlands | 678 | 678 | |
8. Hongkong | 186 | 186 | |
9. Germany, Federal Rep | 174 | 0 | 174 |
10. United States of America | 119 | 1 | 117 |
11. India | 117 | 0 | 117 |
12. Spain | 51 | 51 | |
13. Belgium | 4 | 4 | |
14. Brazil | 3 | 0 | 3 |
Source: Bangko Sentral ng Pilipinas |
Table 2. TERMS OF RECENT PHILIPPINE BILATERAL LOANS | |||||||
VS. TERMS OF COMMERCIAL BONDS | |||||||
REPAYMENT | GRACE | INTEREST | |||||
PERIOD | PERIOD | RATE | |||||
ROP BONDS (AUGUST 2024) | 5.5 | None | 4.38% | ||||
10.5 | None | 4.75% | |||||
25 | None | 5.18% | |||||
JAPAN BANK FOR NTERNATIONAL COOPERATION LOANS FOR | |||||||
FOR INFRASTRUCTURE | |||||||
Fixed rate | 30 | 10 | 1.05% | ||||
Floating rate | 30 | 10 | TORF+70 bps | ||||
CHINA EXPORT-IMPORT BANK (CEXIM) | 20 | 7 | 1.5% | ||||
AGENCE FRANCAISE DE DEVELOPPEMENT (AFD) | 20 | 5 | 3.6% | ||||
Source:> Web sites of JBIC, CEXIM and AFD | |||||||