BILANG pagkilala sa natatanging husay, dedikasyon, at malasakit ng mga lingkod bayan, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama ang Civil Service Commission (CSC) ang pagtatapos ng 2024 Search for Outstanding Government Workers.
Kabilang sa mga award na ipinamahagi ang Presidential Lingkod Bayan Award, CSC Pagasa Award, at Dangal ng Bayan Award. Maliban sa presidential plaque at gold-gilded medallion, halagang PhP200,000 na insentibo ang iginawad sa individual awardees, at PhP100,000 naman kada miyembro ang para sa mga group awardee.
Ang mga parangal na ito ay patunay sa dedikasyon ng mga lingkod bayan sa pagbibigay ng epektibo, makatao, at mahusay na serbisyo para sa Bagong Pilipinas.
Para sa karagdang detalye, basahin: https://pco.gov.ph/Remain-transparent,-accountable-to…