30.4 C
Manila
Biyernes, Disyembre 6, 2024

Sen Tulfo hiniling na tutukan ang backdoor problem ng bansa

- Advertisement -
- Advertisement -

SA kanyang privilege speech nitong Setyembre 11, 2024 tungkol sa illegal recruitment, isinalaysay ni Committee on Migrant Workers Chairperson Senador Raffy Tulfo ang tungkol sa mga OFW na nabibiktima ng illegal recruitment. Narito ang kanyang privilege speech.

Good afternoon Mr. President, distinguished Colleagues.

This week has been very frustrating for most of us. Matapos natin mahuli at maibalik ang naka-alis, hindi pa din tayo makakuha ng maayos na sagot sa ating mga tanong. Sa kwento nila Alice at Shiela Guo, isa sa mga mahalagang detalye sana para sa akin, bilang Chairperson ng Committee on Public Services, ay ang paraan ng paglabas ng Pilipinas nila Alice at Shiela. Ang mga impormasyong ito ay makakatulong sana upang ma-ayos ang seguridad ng ating mga ports, at ma-regulate ang mga entry at exit points ng ating bansa. Because, Mr. President, while transportation is a means to move people and things, and is a crucial tool in commerce, it is also utilized by criminals, to execute their deeds, to smuggle goods, to escape the hands of justice, and for human trafficking.

In the midst studying this problem on port security, a group of OFWs approached my office, just a few days ago, and told us their story of how they were illegally recruited and lured into this human trafficking scheme through a backdoor pass from the Philippines, to Malaysia, to Thailand, and eventually to Europe.

My dear colleagues, ang impormasyon tungkol sa backdoor exit, na hirap tayong mahugot kila Alice at Shiela Guo, ay kusang dinetalye sa akin ng mga OFW na ito. It was painful to hear their story knowing that they were fooled into paying a big amount to fulfill their dreams of working in Europe, only to end up almost losing their lives, getting sexually harassed, and drowning in debt without any source of income.

Mr. President, the DMW and some of our law enforcers are currently working on this case, so I will be leaving out the names of the people involved, for now.

Their story began last October 2023, when these aspiring OFWs found an advertisement on Facebook, where they were promised employment in Europe with a 3 to 4 months processing. They were asked to pay for various fees and expenses which in amounted to about four hundred thousand pesos (P400,000.00). There were times when the group of OFWs inquired about some irregularities in the processing of their papers, but the recruiters kept on saying they knew people in the DMW. The recruiters confidently ensured the group that they will get to Europe legally. Pero ang nangyari po sa kanila ay parang mga nangyayari lang sa pelikula (nakakaawa, nakakagalit at nakakahabag).

Nagsimula ang kanilang paglakbay noong August 6. Lumipad sila ng commercial flight mula Manila papuntang Zamboanga. Noong August 7, lumipad naman sila mula Zamboanga papuntang Tawi-Tawi. Paglapag nila, sila ay sumakay ng tricycle papuntang Bongao Port upang sumampa naman sa isang Lantsa papuntang Sitangkai, Tawi-Tawi. Sa Sitangkai, tumuloy sila sa bahay ng isang Tausug. Kinagabihan ng alas-diyes sumakay muli sila ng bangka at tumigil sa isang bahay sa gitna ng dagat.

Noong August 8, ng madaling araw, pinagpatuloy ang paglakbay sakay ng bangka. Dito hinipuan sa maseselang bahagi ng katawan ang isa sa mga babaeng OFW nung kanilang bangkero. Sa takot na siya ay itapon sa dagat di na siya nakapalag. Pero nung nagkaroon ng pagkakataon, siya ay lumipat ng bangka.

Nung gabi ng August 8, dumating na sila sa Semporna, Sabah, kung saan may dalawang Hi-Lux na nagdala sa kanila papuntang Kota Kinabalu. Habang papunta sa Kota Kinabalu, pinabalot ang kanilang mga mukha at binigyan sila ng mga ID ng ibang tao. Sinabihan sila na pag-dumaan sa checkpoint, wag magsasalita at ipakita lang ang ID. Pumirmi sila sa isang hotel sa Kota Kinabalu mula August 9 hanggang August 13. Noong August 13, sumakay sila ng eroplano papuntang Kuala Lumpur. Sila ay tinuruan kung saang counter ng immigration pipila. Sinabi nila na ang kanilang passport ay tinatakan pero hindi daw ito lumalabas sa system. Chopchop ang tawag nila sa systema na ito.

Noong August 14 dumating sila sa Kuala Lumpur at pumirmi doon sa isang Condominium. August 23, muli sila naglakbay papunta sa Changlun kung saan sila ay pumirmi hanggang August 29.

Noong August 29, naglakbay sila papalapit sa border ng Thailand. Habang papunta sa border may mga lalaking sumakay sa kanilang sasakyan at nagbigay ng instruction na iwan ang kanilang mga bagahe at bumaba sa isang bangin. Pagbaba ng bangin, sila ay pumasok sa isang tunnel, at nagtago doon ng panandalian, matapos lumabas sila at sumulong sa ilog na maputik at may taas na hanggang bewang. Matapos sa ilog, umakyat sila ng mga apat (4) na bundok. Umabot sa anim (6) na oras ang kanilang paglalakad. Hinimatay na ang isa sa mga kasamahan nila. At sabi ng kanilang guide ay iwan na lang ito, pero hindi sila pumayag. Kinalaunan, umabot sila sa lugar na may wire na may uwang at dito nila tinawid ang border ng Thailand.

Pagtawid sa border ng Thailand, isang motor ang nag-aabang sa kanila at dinala sila sa Pedang Besar Customs and Immigration. Pinapila sila sa itinurong officer at doon tinatakan ang kanilang passport na siyang pumasok sa immigration system ng Thailand. Dinala sila sa Hotel kung saan sila ay pumirmi hanggang August 31, kung kailan lumipad na sila papuntang Bangkok.

Sa Bangkok, doon na sana sila lilipad papuntang Europe. Pero noong September 1, paglapit nila sa Check-in counter ng airport, pinag-dudahan sila dahil pupunta sila ng Europe na walang mga bagahe. Hiningi ng check-in personnel ang kanilang mga work papers. Kampante sila na pinakita ang kanilang original na employment papers. Pero sinabihan sila ng Check-in personnel na mag-antay at nagpatawag ito ng mga immigrations officer. Doon sila ay sinabihan na hindi sila makakaalis dahil may immigration problem.

Tinawagan nila ang kanilang recruiter. Kung ano-anong dahilan sinasabi sa kanila at sinubukan sila hingan pa ng pera upang maayos ang problema. Kinalauanan, tumawag na ang grupo sa mga pamilya nila dahil binabantaan na sila ng kanilang recruiter na kung hindi sila magbibigay ng pera magkakaproblema sila dahil may droga ang kanilang mga iniwan na bagahe. September 5, noong dumulog ang grupo sa aking programa upang magparescue. At noong September 6, sila ay nakabalik na. Ito ang isang buwan na kalbaryo ng kanilang grupo.

Dito makikita ang kahinaan ng ating border security at kakulangan ng regulation ng mga pribadong panglakbay sa dagat. Bilang isang arkipelago, major mode of transportation ang mga bangka. At dahil nga ang ating bansa ay binubuo ng maraming isla, ang bawat dalampasigan ay maaaring entry at exit point ng Pilipinas. Without the proper border security, we are a hub for human trafficking, smuggling, escape route and hide-out for fugitives, drug operations, and so much more.

Mr. President, while we are enraged with what Alice Guo and her POGO cohorts has done to our government systems, there is a bigger picture to this backdoor problem and immigration crisis that we have. As we speak, there are hundreds more like these aspiring OFWs being preyed upon by disgusting scammers and human traffickers. Kung tayo po ay pinapanood ng mga illegal recruiters ngayon, sigurado ako, lahat sila iniisip kung “kami kaya ito?” Dahil malamang itong ruta na ito ang ginagamit din nila. Isa lang masasabi ko sa inyo, kabahan na kayo, malamang susunod na kayo sa hahabulin ng ating mga otoridad. Mr. President, we are working closely with the DMW, NBI and the Philippine Coast Guard to get to the bottom of this, and eventually, take down all others operating in the same way.

The Committee on Migrant Workers would like to look into this illegal recruitment and human trafficking scheme. And the Committee on Public Service, will also review the regulation of our air and marine transportation, particularly those used for trans-national crimes. We have to take action as soon as possible Mr. President, ‘di na po natin maaasahan yang sila Alice Guo na tumulong sa atin, dahil kung tutuusin sila nga ang nagbalahura sa ating bayan.

Thank you for your time my dear colleagues. Thank you Mr. President.

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -