27.6 C
Manila
Biyernes, Enero 17, 2025

Higit P44 M halaga ng farm-to-market roads, ipinagkaloob ni PBBM sa Palawan

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGKAKAHALAGA ng P44,704,383 ang tatlong farm-to-market roads na ipinagkaloob ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Coron, Palawan ngayong araw, Setyembre 19, 2024.

Kasabay ng pamamahagi ng Certificates of Land Ownership Award (CLOA), ipinagkaloob din ni Pangulong Marcos ang mga proyektong farm-to-market road sa Estrella Del Norte Multi-Purpose Cooperative ng Taytay Palawan, Caramay Farmers and ARBs Association Incorporated ng Roxas, Palawan at sa Pamahalaang Lokal ng Coron.

Batay sa talaan ng Department of Agrarian Reform (DAR) Palawan, higit sa 1,000 agrarian reform beneficiaries ang magbebenepisyo sa mga nabanggit na farm-to-market roads. Ayon kay Pangulong Marcos, ang mga magsasaka na nagtatanim sa malalayong lugar ang higit na makikinabang sa mga nasabing kalsada. “Ang mga bagong kalsada ay makatutulong upang mapalapit kayo sa mga mamimili at mapabuti ang inyong kabuhayan,” saad ng Pangulo.

Sinabi rin ng Presidente na maraming oras at gastos ang nasasayang sa malayong paglalakbay upang maihatid ng mga magsasaka ang kanilang produkto sa pamilihan kung kaya sa pamamagitan ng mga bagong kalsada ay mabilis na maihahatid ang kanilang mga produkto at hindi na mangangamba sa posibleng pagkasira ng mga ito.Binigyang-diin din ni Pangulong Marcos na ginagawa ng pamahalaan ang lahat para sa mas maunlad at maaliwalas na kinabukasan ng mga magsasaka sa bansa. (VND/PIA MIMAROPA–Occidental Mindoro)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -