Uncle, may gusto along itanong sa inyo?
Ano yon, Juan?
Anong maipapayo nyo sa mga bagong kasal para maiwasan nilang mag-away tungkol sa pera?
Huh? Bakit, Juan, mag-aasawa ka na ba?
Hindi po, Uncle. Malayo pa po yun. Kaya lang yung kaopisina ko kasi ikakasal na. At napag-usapan namin kung paano ba dapat i-handle ng mag-asawa yung tungkol sa pera nila. Di ba, Uncle, madalas sa pera nagsisimula ang hindi pagkakaunawaan ng mag-asawa?
Tama ka dyan, Juan. Ayon sa isang pagsusuri sa divorce sa Amerika, 20-40 porsiyento into ay dulot ng mga isyu sa pera o mga problema sa pinansiyal na aspeto ng kanilang relasyon. Ibig sabihin nito, sa sampung kasal na nauuwi sa divorce, apat sa kanila ay dahil sa salapi. Mga 40 porsiyento ng divorced GenXers at 30 porsiyento ng naghiwalay na Boomers ang nagsasabi na ang pangunahing dahilan ng kanilang paghihiwalay ay dahil sa hindi pagkakaunawaan sa pera.
Sa Pilipinas, kung saan hindi pa legal ang divorce, ang isyu ng pera ay isang dahilan din ng hiwalayan kaya lang medyo hindi ito kasing tindi tulad ng pakikiapid, infidelity o third party na situwasyon dahil na din sıguro sa ating kultura at paniniwala sa konsepto ng pamilya at sa pagiging positibo tungkol sa oportunidad at pananalapi,
May mga kakılala ako na ang pagsasama nila ay talagang hinamon ng pakikipaglaban sa pinansyal na dimensyon ng kanilang pagsasama, sa magkabilang estado ng sobra at kulang o sa hirap at ginhawa. Alaka ko pag kulang lang o hirap sa pera lang ang Pinga-aawayan. Pati pala kung sobra ang pera, nagpapatayan din.
Sa aming higit na 37 years na pagiging mag-asawa, pinag-uusapan namin ang pera pero hindi namin siya ginagawang balakid sa aming pagsasama. Bagkus, ginagawa namin siyang inspirasyon sa mga pangarap namin sa buhay.
Malalim ang aming pagtingin na ang pera ay grasya galing sa Panginoon at pinapangalagaan namin na ang usaping pananalapi ay dapat magbuklod sa amin sa kinabukasang pinangarap namin at hindi maging sanhi ng gulo o ingay sa aming pagsasama.
Noon pa, naging epektibo sa amin ang aming stratehiya na tinatawag naming GRASYA:
G- umastos ng naaayon sa budget at financial goals. Kailangan sabay kayong mag-prioritize ng gastusin. Live within or below your means. Sabi nga natin ang formula ay: KITA – IPON = GASTOS, hindi, KITA – GASTOS = IPON.
R- responsibilidad at accountability sa bawa’t isa. Dapat ang bawa’t isa ay malinaw sa kanyang tungkulin at pananagutan tungkol sa salapi. Kung ikaw ay magastos kesa sa iyong partner, hindi makatuwiran na wala kang pakıalam sa magiging epekto nito sa inyong finances. Ang paniniwala, pag-uugali at aksyon ng bawa’t İsa sa pera ay kailangan naiintindihan ng mag-asawa para iisa lang landas ang inyong tatahakin para sa pamilya.
A- yusin ang komunikasyon ninyong mag-asawa. Magandang pinag-uusapan ang mga desisyon tungkol sa pera. Maging tapat at honest sa bawa’t İsa. Iba’t iba ang istilo ng mag-aşawa sa pag-handle ng pera. Meron arrangement na sa babae lang lahat ang kinikita at siya na ang nagba-budget base sa pinag-uusapan. Meron ding kanya-kanya ang kinikita at pinag-uusapan na lang kung anong gastos ang para kanino. Meron ding kombinasyon ng joint at kanya-kanya depende sa prayoridad. May pros and cons ang bawat istilo na yan. Pag-usapan natin yan sa susunod.
S- istema ng pagpa-plano ay pairalin. Mahirap ang walang pinansyal na plano. Kailangan may istratehiya at financial goals na sinasang-ayunan ng mag-asawa. Pag nagpa-plano para sa short at long-term, alam nyong pareho kung may nangyayari ba at kung paano Ito iaadjust para mas maging realistic at doable ang plano.
Y- abang at inggit ay iwasan. Mag-focus sa sariling kakayanan at oportunidad na magbibigay ng kaunlaran at progreso sa pamilya. Marami ngayon ang masyadong naapektuhan ng social media na kung tutuusin, maaring hindi naman totoo lahat ang pinapakita dun at nagbibigay lang ng negatibong epekto sa pag-iisip at pag-uugali ng tao. Bilang mag-aşawa, pakialaman natin ang sarili nating bakuran at gumawa tayo ng sarili nating pamantayan ng ating kaligayahan at contentment lalo na sa ating buhay pinansyal.
A- lagaan ang inyong mga trabaho o negosyo. Laging pag-isipan kung paano pa mapagtitibay ang galing at abilidad para mas mapansin at umangat. Kalımitan, sabi nga nila, opportunity only strikes once. Kaya huwag magpabaya sa suwerteng meron ka na at aanihin pa.
O, Juan, pakibigay mo nga Itong GRASYA sa kaopisina mo. God bless them!