AYON sa datos ng World Health Organization noong 2020, ang mga namatay dahil sa Alzheimer’s at Dementia sa Pilipinas ay umabot sa 2,010 o 0.30% ng kabuuang bilang ng mga namatay.
Ipinapaalala natin na mahalaga ang kalusugan ng utak sa lahat ng yugto ng ating buhay.
Ang pagkakaroon ng malusog na pamumuhay – regular na ehersisyo at wastong pagkain – ay nagbibigay benepisyo sa ating isipan. Umiwas sa paninigarilyo, pag-inom ng alak, at droga.
Para sa karagdagang impormasyon, kumunsulta sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar.