30.4 C
Manila
Biyernes, Disyembre 6, 2024

P156M trabaho, tulong-pangkabuhayan ipinamahagi ng DoLE sa Bicol

- Advertisement -
- Advertisement -

BILANG pagpapatibay sa pangako nitong abutin ang mas maraming manggagawang nangangailangan, pinalawig ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang emergency employment at tulong-pangkabuhayan nito sa mahigit 31K na manggagawa at
benepisyaryo sa Bicol Region noong Setyembre 13, 2024.

Pinangunahan ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma, (itaas na larawan, gitna) kasama si Undersecretary Benjo Santos Benavidez, ang pamamahagi ng tulong-pangkabuhayan sa mga manggagawa at benepisyaryo sa Bicol Region noong Setyembre 13, 2024. Larawan mula sa Department of Labor and Employment

Pinangunahan ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma ang pamamahagi ng mahigit  P156 milyong halaga ng tulong sa ilalim ng programang DILEEP (DoLE Integrated Livelihood and Emergency Employment Programs).

Bukod sa mga serbisyong ito, sabay-sabay ding isinagawa ang mga job fair sa limang lalawigan ng Bicol — Sorsogon, Camarines Norte, Catanduanes, Masbate, at Albay, kung saan mahigit 2K oportunidad sa trabaho ang inialok sa mga Bicolano na naghahanap ng trabaho. Ang mga aktibidad na ito ay inilunsad ng labor department bilang suporta sa pambansang paglulunsad ng Handog ng Pangulo: Serbisyong Para sa Lahat Program, isang serye ng mga gawain na naglalapit sa mga serbisyo ng pamahalaan sa mamamayang Pilipino at tulungan sila sa pagsisimula ng kanilang kabuhayan para masuportahan nila ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma ang kahalagahan ng mga aktibidad at ang direktang epekto nito sa buhay ng mga Pilipino, partikular sa mga nasa mahinang sektor. “Ang mga programang ito, mula sa job fair hanggang sa Tupad payouts at pamamahagi ng tulong pangkabuhayan ay sumasalamin sa layunin ng
ating mahal na Pangulo at ng ating pamahalaan: ang pagbibigay ng sapat at de-kalidad na serbisyo para sa bawat Pilipino,” pahayag ni Secretary Laguesma.

Hinimok ng Kalihim ang mga benepisyaryo at ang mga naghahanap ng trabaho na samantalahin ang mga oportunidad na ipinagkaloob sa kanila para matiyak ang matatag nilang kinabukasan.

“Kaya naman, sa ating mga kababayan, samantalahin po natin ang mga programang ito. Maghanda para sa inyong mga job interview, tanggapin ang mga iba’t ibang natamo, at gamitin ang mga livelihood packages para sa mas maunlad na pamumuhay,” dagdag ni
Secretary Laguesma.

Kasama ng Kalihim sina Labor Undersecretary Atty. Benjo Santos Benavidez ng Workers’ Welfare and Protection Cluster, DoLE Bicol OIC Regional Director Imelda Romanillos, at Provincial Heads Mary Jane Rolda ng Sorsogon, Ella Verano ng Camarines Sur, Cherry
Mosatalla ng Camarines Norte, Ching Banania ng Albay, Eduardo Lovedorial ng Catanduanes, at Lynette dela Fuente ng Masbate.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -