26 C
Manila
Martes, Oktubre 8, 2024

Tolentino, naniniwalang marami pang ibibunyag si Guo sa susunod na executive session

- Advertisement -
- Advertisement -

TIWALA si Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino na marami pang ibubunyag ang dating alkaldeng si Alice Guo sa susunod na executive session na itatakda ng Senado.

Sa isang panayam sa ANC channel, tinanong si Tolentino kung sa tingin nya’y ‘nakausad na’ ang imbestigasyon ng Senado matapos ang executive session kahapon.

“Oo,” ang tugon ni Tolentino, habang tumanggi na magbigay ng detalye, alinsunod sa patakaran ng Senado.

“Yung mere fact na pumayag sya na pumasok sa isang executive session at nagsabi pa ng mga bagay na di nya ibinunyag noon ay indikasyon na ginagalang nya ang Senado,” aniya.

Dagdag ni Tolentino: “Sa palagay ko, marami pa syang ibubunyag, lalo na sa kundisyon nya ngayon. Ang dinig ko ay sa plywood daw sya natulog dahil may mga surot sa piitan nya kagabi sa Pasig.”

Kalmado at direkta rin ang naging mga sagot ng dating alkade sa executive session, ayon pa kay Tolentino,

“Ano ang nagbago? Siguro dahil mas kalmado ang sitwasyon doon, at nakita rin nya na ginagalang ng mga senador ang kanyang mga karapatan,” paliwanag nya.

Noong tanungin kung sa palagay nya’y nilaglag na ba si Guo ng kanyang mga kasamahan, sinabi ng senador na wala sya sa posisyon para mag-komento rito.

“Abangan natin ang susunod na executive session, na magiging mas mahaba para mas mapakinggan namin sya,” pagtatapos ni Tolentino.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -