26.4 C
Manila
Miyerkules, Pebrero 19, 2025

Paspasang aksyon ng PTMP-LPTRP sa Camiguin Province

- Advertisement -
- Advertisement -
SA patuloy na pag-usad ng Public Transportation Modernization Program (PTMP) ay inilunsad din ng Department of Transportation-Philippines (DoTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board-LTFRB Region X, sa tulong ng Provincial Planning and Development Office (PPDO) ng Camiguin Province, ang “Training-Workshop in Crafing  the locla public transport route plan of the Province of Camiguin ang its municipalities noong nakaraang Setyembre 16-20, 2024.
Pinangunahan ni Provincial Planning and Development Office (PPDO) Head, Engr. Leonides Oclarit, ang training-workshop na may layong pataasin ang antas ng karunungan ng iba’t ibang opisyal at empleyado mula sa anim na lokal na pamahalaan sa paggawa ng LPTRP.
Sa pangangasiwa ng PTMP National Program Management Office (NPMO) at ng LTFRB RFRO Region X ay sinimulang gawin ang survey simulations na ginanap sa mga kalsada at ruta ng mga pampublikong sasakyan na bumabaybay sa Mambajao. Inaasahan na matutukoy sa mga ensayong ito ang traffic volume at passenger demand sa lugar—mga mahahalagang konsiderasyon sa pagmumungkahi ng mga rationalized at new/developmental na mga ruta upang maghatid ng serbisyo sa mga residential, commercial, at iba pang areas na may pangangailangan sa pampublikong transportasyon.
Maigting din na naitalakay ang mga Stakeholder Support Programs—Tsuper Iskolar at EnTSUPERneur Program—na maaaring salihan ng mga driver, operator, at allied workers na naapektuhan sa implementasyon ng PTMP. Samantala, nagpahayag din ng suporta si  Stanley  Planco, chairman of the Committee on Franchise and Public Utilities sa pamamagitan ng kanyang pangwakas na pananalita, sa pagsulong ng programang angkop sa pangangailangan ng apektadong sektor.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -