BILANG hakbang sa nakaaalarmang kaso ng Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) sa bansa, ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ay nag-isyu ng Memorandum Circular No. 2024-094 noong ika-10 ng Hulyo 2024, na naglalayong isama sa mga pamantayan ng Child-Friendly Local Governance Audit (CFLGA) ang Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) at Anti-Child Sexual Abuse o Exploitation Materials (CSAEM) Act.
Ang nasabing panukala ay isang pagtugon sa atas ng Republic Act No. 11930 sa Kagawaran, at upang masiguro ang kapakanan at kaligtasan ng mga bata laban sa online sexual abuse.
Para sa buong detalye, basahin ang Memorandum Circular No. 2024-094 sa link na ito: https://shorturl.at/bKe9V
Narito naman ang link para sa “Model Ordinance in addressing Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) and Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM) cases”: https://tinyurl.com/2z32r8m8