NAGLABAS ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa Region 2 (Cagayan Valley), Region 3 (Central Luzon), at Region 12 (SOCCSKSARGEN) ng motu proprio wage order na nagbibigay ng pagtaas sa arawang minimum na sahod ng mga manggagawa sa pribadong establisimyento. Ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., sa Kagawaran noong Araw ng Paggawa na magsagawa ng napapanahong pagsusuri sa minimum na sahod.
Ang mga pagsasaayos, na nag-iiba-iba sa bawat rehiyon, ay magkakasamang napagkasunduan at inaprubahan ng mga miyembro ng kani-kanilang RTWPBs.
Sa Cagayan Valley, magbibigay ang RTWPB-II ng karagdagang P30 sa arawang minimum na sahod sa lahat ng sektor kapag naging epektibo na ang Wage Order. Para sa non-agriculture sector, mula sa P450 ay magiging P480 na ang arawang minimum na sahod, at mula P430 magiging P460 para sa sektor ng agrikultura.
Sector/Industry | Minimum Wage Rates under Wage Order No. RTWPB 2-22 | Amount of Increase | New Minimum Wage Rates |
Non-Agriculture |
₱450.00 |
₱30.00 | ₱480.00 |
Agriculture | ₱430.00 | ₱460.00 |
Inaprubahan din ng RTWPB-II ang dagdag na P500 sa buwanang sahod para sa mga kasambahay sa lahat ng lungsod at munisipalidad sa rehiyon, kung saan magiging P6,000 ang buwanang minimum na sahod.
Area/ Location | Monthly Minimum Wage under WO No. 02-DW-05 | Amount of Increase | New Minimum Wage
Rate |
Chartered Cities, First-Class Municipalities, and Other Municipalities | ₱5,500.00 | ₱500.00 | ₱6,000.00 |
Sa Central Luzon, pinasimple ng RTWPB-III ang istraktura ng sahod nito sa pangunahing klasipikasyon ng sektor/industriya ng non-agriculture, agriculture, at retail and service. Tataas ng P50-P66 ang arawang minimum na sahod sa rehiyon sa hanay na P500-P550 sa non-agriculture sector; P485-P520 sa agriculture sector; at P435-540 sa retail at service establishments kapag ganap ng naipatupad ang lahat ng tranches.
Sector/Industry | Provinces of
BATAAN, BULACAN, NUEVA ECIJA, PAMPANGA, TARLAC, ZAMBALES |
||||
MW under W.O.
No. RBIII-24 |
Wage Increase
(Upon Effectivity) |
New Minimum Wage | Wage Increase
(2nd Tranche: April 16, 2025) |
New Minimum Wage | |
Non-Agriculture | |||||
Establishments with 10 or more workers | ₱500 | ₱25 | ₱525 | ₱25 | ₱550 |
Establishments with less than 10 workers | ₱493 | ₱32 | |||
Agriculture | |||||
Plantation | ₱470 | ₱25 | ₱495 | ₱25 | ₱520 |
Non-Plantation | ₱454 | ₱41 | |||
Retail / Service | |||||
Establishments with 10 or more workers | ₱489 | ₱26 | ₱515 | ₱25 | ₱540 |
Establishments with less than 10 workers | ₱475 | ₱40 |
Sector/Industry | Province of AURORA | ||||
MW under W.O. No. RBIII-24 | Wage Increase
(Upon Effectivity) |
New
Minimum Wage |
Wage Increase
(2nd Tranche: April 16, 2025) |
New
Minimum Wage |
|
Non-Agriculture | ₱449 | ₱26 | ₱475 | ₱25 | ₱500 |
Agriculture | |||||
Plantation | ₱434 | ₱26 | ₱460 | ₱25 | ₱485 |
Non-Plantation | ₱422 | ₱38 | |||
Retail /Service | ₱384 | ₱26 | ₱410 | ₱25 | ₱435 |
Sa SOCCSKSARGEN, ipinagkaloob ng RTWPB-XII ang karagdagang halaga na P27-P48 sa arawang minimum na sahod sa rehiyon kung saan magiging P430 sa non-agriculture sector kabilang ang retail at service establishments, at P410 sa agriculture sector kapag naipatupad na ang lahat ng tranches.
Sector/ Industry |
Current Minimum Wage |
Minimum Wage Rates | |||||||
Upon effectivity | New Minimum Wage Rates | Wage Increase
(2nd Tranche: January 1, 2025) |
New Minimum Wage Rates | Wage Increase
(3rd Tranche: (April 1, 2025) |
New Minimum Wage Rates | Wage Increase
(4th Tranche: June 1, 2025) |
New Minimum Wage Rates | ||
Non-Agriculture | ₱403 | ₱14 | ₱417 | ₱13 | – | ₱430 | |||
Service/Retail Establishments | ₱382 | ₱14 | ₱396 | ₱14 | ₱410 | ₱10 | ₱420 | ₱10 | |
Agriculture | ₱382 | ₱14 | ₱396 | ₱14 | – | ₱410 |
Alinsunod sa mga umiiral na batas at pamamaraan, isinumite ang mga wage order sa National Wages and Productivity Commission (NWPC) para sa pagsusuri at pinagtibay ito noong 25 Setyembre 2024. Ipalalathala ang mga wage order sa 01 Oktubre 2024 at magkakabisa sa 17 Oktubre 2024.
Isinaalang-alang sa pagbibigay ng karagdagang sahod ang iba’t ibang pamantayan sa pagtukoy ng sahod sa ilalim ng Republic Act No. 6727 o ang Wage Rationalization Act. Nagsagawa rin ang Regional Boards, na binubuo ng mga kinatawan mula sa sektor ng pamahalaan, namumuhunan, at manggagawa, ng mga konsultasyon at pampublikong pagdinig sa kani-kanilang mga rehiyon bilang bahagi ng proseso ng pagtukoy sa minimum na sahod.
Ang bagong minimum na sahod para sa mga manggagawa sa pribadong establisyimento ay nangangahulugan ng humigit-kumulang na pagtaas ng 7%-15% mula sa umiiral na arawang minimum na sahod sa tatlong rehiyon, at magreresulta ng 7%-12% pagtaas sa mga benepisyong nauugnay sa sahod kabilang ang 13th-month pay, service incentive leave, at social security benefits tulad ng SSS, PhilHealth, at Pag-IBIG.
Inaasahang direktang makikinabang ang kabuuang 905,000 manggagawang tumatanggap ng minimum na sahod sa mga nabanggit na rehiyon at tinatayang 1.7 milyong full-time wage and salary workers na tumatanggap ng higit sa minimum na sahod ang makikinabang sa pataas na pagsasaayos mula sa pagtatama ng sahod bunga ng wage distortion.
Samantala, ang kabuuang 49,165 kasambahay kung saan humigit-kumulang 15% (7,394) ay nasa live-in arrangement, at 85% (41,771) ang nasa live-out arrangement naman ang inaasahang makikinabang sa pagtaas ng sahod sa Region 2.
Gaya ng anumang wage order, at tulad ng itinatakda ng NWPC Omnibus Rules on Minimum Wage Determination, na inamyendahan, maaaring mag-aplay ang mga retail/service establishment na may regular na manggagawa na hindi hihigit sa sampu, at mga negosyong naapektuhan ng natural na kalamidad ng exemption mula sa pagtaas ng sahod sa RTWPB. Hindi saklaw ng batas sa minimum na sahod ang mga Barangay Micro Business Enterprises (BMBEs) alinsunod sa Republic Act No. 9178 [2002].
Magsasagawa ng information campaign ang RTWPB 2, 3 at 12 upang tiyakin ang pagsunod at magbigay ng kinakailangang tulong sa mga negosyo sa pagwawasto ng wage distortion. Para sa aplikasyon ng exemption at karagdagang paglilinaw sa wage order, maaaring makipag-ugnayan sa RTWPB sa pamamagitan ng email address: [email protected], [email protected] at [email protected].
Ang huling wage order para sa manggagawa sa pribadong establisimyento at mga kasambahay sa Cagayan Valley, Central Luzon at SOCCSKSARGEN ay naging epektibo noong 16 Oktubre 2023. NWPC/gmea