25 C
Manila
Huwebes, Nobyembre 7, 2024

Bagong tahanan ng OVP, tuloy ang serbisyo

- Advertisement -
- Advertisement -
PARA sa mas malawak at mas accessible na serbisyo para sa mga Pilipino, pormal nang binuksan ngayong araw, October 8, 2024 ang OVP-Western Mindanao Satellite Office sa bago nitong tahanan sa Veterans Avenue Ext., Barangay Tetuan, Zamboanga City.
Sa bago nitong lokasyon, mas magiging accessible na sa marami nating kababayan mula sa Western Mindanao ang iba’t ibang programa ng OVP.
Kasabay ng pagbubukas ng bagong opisina, nagkaroon din ng Mag Negosyo Ta ‘Day (MTD) awarding kung saan nasa kabuuang Php 285,000 ang inihandog sa mga benepisyaryo.
Isa sa mga nabigyan ng MTD ay ang Kawayan Alicia Coconut Farmers’ Marketing Cooperative (KACOFARMCO) kung saan nakatanggap sila ng Php 150,000, at siyam na mga indibidwal rin ang nakatanggap ng tig-Php 15,000 para sa kanilang mga negosyo tulad ng sari-sari store, karinderya, baking, paggawa ng tsinelas, at pugon-making.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -